Kaabang-abang bagong serye ng ABS-CBN, ang “And I Love You So” na magsisimula na ngayong araw Dec. 7 na pinagbibidahan nina Miles Ocampo, Julia Barretto, Iñigo Pascual, Dimples Romana, at Angel Aquino.
Dapat abangan ang confrontation scene nina Angel Aquino at Dimples Romana, kung saan nagbitiw ng linya si Angel kay Dimples ng “‘Wag kang masyadong kakapit sa marriage contract mo. That’s just a toilet paper.”
Marami pa raw bonggang mga linya ang paniguradong tatatak sa isipan ng mga manonood sa pagsisimula sa Lunes ng serye.
Kaabang-abang din ang unang pagbibida-kontrabida ni Julia sa nasabing serye na ayon sa kanya ay gustong maging versatile katulad ng auntie niya na si Claudine Barretto na puwedeng magpa-sweet, mag-komedya, at maging kontrabida.
Upgrade, pinabilib ang kanilang audience sa kanilang concert
NAGING MALAKING tagumpay ang concert ng Upgrade na kinabibilangan nina Casey Martinez, Armond Bernas, Rhem Enjavi, Mark Baracael, Raymond Tay, Ivan Lat, at Miggy San Pablo na ginanap last Dec. 4 sa Music Museum entitled UPGRADE UNSTOPPABLE produced by The Aqueous Group of Company and Star Image at sa pakikipagtulungan ng Hea Watch, Cardams, Ysa Skin and Body Experts, Cre8 Salon, at Royqueen.
Halos mapuno ang Music Museum sa dami ng mga Upgraders na nanood sa Upgrade Concert. Bongga ang opening number ng Upgrade with song and dance sa awiting Unstoppable. Nagbigay tribute ang Upgrade sa kanilang fave boyband na N Sync at Back Street Boys.
Napabilib naman ng mga ito ang mga naroroon sa kani-kanilang solo production number ng kani-kanilang individual talents. Kilig to the max naman ang hatid ng kanilang love song medley, kung saan inalayan nila ng red rose ang kanilang mga butihing ina. Habang nag-party naman ang lahat sa last number ng Upgrade, kung saan tumayo ang lahat at nagsayawan .
PPL, nagbigay ng maagang Pamasko sa mga press people
ISANG MAAGANG Pamasko sa mga press people ang inihatid ng PPL headed by President/CEO na si Mr. Perry Lansigan last Dec. 1, 2015 na ginanap sa Plaza Ibarra sa Quezon Blvd. Quezon City.
Present ang halos lahat ng alaga ng PPL mula kina Jolina Magdangal, Gabby Eigenmann, Rochelle Pangilinan, Carlo Gonzales, Arthur Solinap, Carl Guevarra, Gloc 9, Mig Haleco, Maya, LJ Reyes, Max Collins, at ang pinakabagong PPL talent na si Sunshine Dizon.
Hindi nakarating si Dingdong Dantes na nagbigay ng mensahe sa mga press people na ngayon ay nasa Paris, habang kapapanganak pa lang ni Angelika Dela Cruz at may mga trabaho naman sina Janno Gibbs at Geoff Eigenmann.
Masayang umuwi ang bawat working press sa dami ng palaro na bukod sa GC ay may kasama pa itong cash na premyo at raffle draw mula sa cash prize na 2k , 3k , 5k, 8k, at 10k . Bukod pa sa individual na sobre na tinanggap ng lahat. Kaya naman… Thank you very much, PPL and advance Merry Christmas and a Happy New Year!
John’s Point
by John Fontanilla