Nawala na ang “filter” sa pagiging Julia Barretto ng isang Julia Barretto.
At the media launch ng 2015 MMFF entry ng Star Cinema na “Vince&Kath&James”, mas relax na siya ngayon. Mas nag-o-open-up. Mas chill sa lengguwaheng bagets or millennials.
Kaya nga nagustuhan namin si Julia na noon pa man, sa kanyang unang pantaserye sa ABS-CBN kung saan itinambal siya kay Enrique Gil, regular viewer kami ni Julia tuwing hapon bago mag-TV Patrol. Nagustuhan namin siya.
Pero may ilang mga bagay yatang kaguluhan sa buhay niya na kahit papaano ay nakaapekto sa kanya na naging dahilan or shall I say sanhi ng hindi pagkagusto ng ilan sa kanya.
Naging nega ang vibes at image ni Julia nang sa isang pagtitipon ay deadma siya sa kanyang ama at kung anu-ano pa, na kami mismo ay hindi niya sinang-ayunan ang pag-uugaling ‘yun ng dalaga.
Naging viral nga ang kuwentong ‘yun na aminin man o hindi ay nakaapekto sa kanya.
Aminado kami na there was a time na hindi na namin siya nagustuhan. Pero during the presscon of her movie with Joshua Garcia and Ronnie Alonte directed by Ted Boborol, inamin ng dalaga na isang shield lang ‘yun na parang pader na hindi mo siya basta-basta napapasok.
Pero sa muling pagharap niya sa media, nagugustuhan ko siyang muli. Mas charming ngayon ang dalaga na inamin niya na “jologs” din siya at ang pa-Ingles-Ingles niya ay wala ‘yun.
“Kasi ‘yun ang nakasanayan ko sa family,” sabi ni Julia.
Pansin ko nga, mas Tagalog na siya, kung hindi man mas Taglish ang lengguwahe niya.
Basta ako, I’m liking her again. Charming si Julia at tila loveable muli without those filters sa buhay niya.
By the way, ang MMFF niya ay tungkol sa ligawan na nauwi sa love story via text messege.
Very millennials ang kuwento na kahit hindi ka bagets ay masasakyan mo.
Good luck, Jules!
Reyted K
By RK VillaCorta