COMMON KNOWLEDGE na ang mga patalastas sa TV ay itinuturing na lifeblood, ang 30 o 60 seconds kasi na haba ng commercial na ikinakarga sa anumang palabas ay maliwanag na revenue sa ikabubuhay o ikamamatay nito.
Oftentimes, it’s the advertisers who dictate upon the TV network. Walang ad placement kung hindi nila feel ang programa o ang bida nito, nakasalalay nga naman ang kanilang pamumuhunan sa lakas o hina ng kapupuntahan ng kanilang budget for their product or service.
Sadly, sa iskandalong kinasasangkutan ng kanyang mga kadugo ay naiipit si Julia Barretto, na bagama’t walang dudang isang commercial material (meron naman siyang ineendorsong patalastas, in fairness) ay hindi mai-cast sa mga palabas ng kanyang mismong home studio nito, ang ABS-CBN.
Blame it on the scandal among her aunts Gretchen and Claudine, na kada araw na lang ay nanganganak ang isyu that already veers away from the root cayse of it all, ang espousal rift ng Santiago couple.
But what has this talented girl got to do with all the katsipan spawned by her shameless relatives? Is it not unfair na magdusa ang walang kamuwang-muwang na bagets para pagbayaran ang mga katsipan ng kanyang mga tiyahin, na patuloy na nagsisiraan?
Kawawang Julia. Naging sacrificial lamb tuloy siya sa isang usapin just because she carries the Barretto name. At puwede ba, tigilan na ng pamilyang ito ang nakahihiyang bangayan nila resulting in a fragmented kinship.
Juice ko, pare-pareho lang naman silang may mga baho: from Gretchen to Marjorie to Claudine.
Enough of all this katsipan!
ROUGH NA kung rough ang dating ni Robin Padilla, but the Bad Boy, however, has something good to say.
Binoe resonates the public outrage tungkol sa pork barrel involving a handful of legislators. Simple lang ang katuwiran ng action star, isa siyang law-abiding citizen na nagbabayad ng tamang buwis.
Ergo, karapatang malaman ni Robin kung saan napupunta ang kanyang ibinabayad like everyone else whose taxes are not necessarily spent on government projects, bagkus ay napupunta lang sa bulsa ng mga hinayupak at makakapal ang mukhang pulitiko!
Marapat lang ang panawagan ni Robin sa mga nanunungkulang dawit sa pagnanakaw sa kabang-yaman ng pamahalaan: RESIGN! And we so perfectly agree.
Tamang-tama lang ang brand ng kapeng ineendorso ni Robin kasama ang kanyang pamangking si Daniel. With a catchy tagline “nangingibabaw”, dapat din lang mangibabaw ang tamang timpla ng mga sangkap sa gobyerno bereft of corruption minus the misfits and the crooks in power.
Kayong mga makakapal ang mukhang mambabatas, magkape-kape naman kayo ‘pag may time para nerbiyusin kayo sa mga katiwaliang kakambal na yata ng inyong pagkatao!
Kilalang straight na celebrity, nag-e-enjoy ‘pag ‘pinapasok’ ang kanyang ‘kuweba’!
BLIND ITEM: Kung kakaliskisan ang lalaking personalidad na ito ay malayo sa iyong hinagap na meron pala siyang kakaibang trip sa pakikipagtalik.
Kilala siyang straight guy, walang patak ni katiting na berdeng dugo sa kanyang pagkatao. Pero may ilan palang pagkakataon, ayon sa aming reliable source, na may kabaro siyang nakaniniig.
Ang nakagugulat, he does not do fellatio (oral sex), bagkus mas nag-e-enjoy pala siya kapag “pinapasok” ang kanyang “kuweba”. You heard it right, bottomesa ang pogi pa namang personalidad!
Na may kunek sa isang sikat na rapper ang first name, at pangalan ng isang mabangis na hayop ang apelyido.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III