Basta ang sabi lang, do’n na lang daw mismo namin malalaman kung sino ang tinutukoy nilang artista sa kanilang post na may caption na “Stronger. Fierce. Brigther” and “A new star will shine brighter at Viva.”
Winelcome si Julia sa kanyang “new home” ni Veronique del Rosario (head ng VAA) at ni Boss Vic Del Rosario, president ng Viva Group of Companies.
Ayon kay Julia hiningi niya ang permiso ng kanyang former manager sa Star Magic na sina Mariole Alberto at Johnny Manahan (Mr. M) about this milestone move on her career ilang buwan bago mag-retiro si Ms. Mariole.
“I want to explore other options in my career. Consultants ko pa rin sina Tita Mariole and Mr M, and I love them. I am happy for the warm welcome of my new VIVA family,” pahayag ng 23-year old actress.
Pinag-isipan din daw niyang mabuti at ipinagdasal ang kanyang naging desisyon.
“It really took time for me to think and pray kung ano pa ang puwede kong tahakin sa career ko. Viva has really good plans for me and they are willing to help me out.
“Excited ako because they will be focused in bringing out the actress in me, and as a fully bloomed woman, as we tackle more mature and realistic stories,” lahad pa ni Julia.
Tanong ng press sa zoom conference kanina sa Viva exec na si Law Tan kung ano’ng career path ng kumpanya kay Julia, he remarked: “She’s already a star. And we will make her a bigger star!”
Makakasama ni Julia sa VAA ang ibang mga malalaking pangalan sa showbiz tulad nina Anne Curtis, Sarah Geronimo, Cristine Reyes, Xian Lim, Matteo Guidicelli, Bela Padilla, Billy Crawford, Ara Mina, Janno Gibbs, Mark Anthony Fernandez, Vice Ganda at marami pang iba.
Sa liga ng mga young actresses ngayon, si Julia Barretto ay hindi lang may magandang mukha kundi marunong ring umarte.