ANG SAYA ng showbiz ngayon. Parang perya lalo pa’t ang daming issues na pwede sawsawan ng mga pakialamera at miron ng mundo.
Si Gerald Anderson, sinasabi na palagi na sila nag-aaway ng girlfriend na si Bea Alonzo reason kung bakit umabot sa sukdulan kung kaya’t maigi na maghiwalay na sila ng girlfriend.
Pero say ni Bea, basta hindi na lang sila hindi nag-usap ng dating katipan na siya mismo ay nagulat nang makarating sa kanya ang balita na split na pala sila ng boyfriend. Kumbaga, walang malinaw na closure.
Hindi man diretsahang sinasabi ng aktres na si Julia Barretto ang salarin, ang mga netizens at miron o ay inaakusahan na ang ex-girlfriend na Joshua Garcia and third party sa hiwalayan nina Gerald at Bea.
Paniniwalaan ko ba ang sabi ni Ge na “no third party” involved sa split-up nila ni Bea? Maniniwala ba ang mundo na hindi si Julia ang dahilan sa hiwalayan ng aktor at ng “Ate Bea” niya?
Nakakatawang isipin, dalawang naggagandahang mga babae pinagaagawan ang isang guwapo at bruskong si Gerald Anderson na pantasya ng girls sa showbiz at ng mga beki.
Ano ba ang meron si Gerald para mag-away sa socmed ang dalawang girls?
Balita sa kanto, “bombilya ang aktor at magaling sa kama na halos lahat ng mga sikat at magaganda ay nakakarelasyon niya.
Bayan, kayo, maniniwala ba kayo na hindi involved si Julia sa split-up nina Gerald at Bea kahit i-deny niya? Kahit ipangalandakan ni Gerald na hindi si Julia ang rason, bago pa man pumutok ang balita, may “something” na ang dalawa na nabuo during the shooting nila sa Japan na dahilan kung bakit naghiwalay sila ni Joshua.
Sabi, ang pagiging “playgirl” diumano ni Julia ay hindi na bago sa pamilya Barretto. Santa Santita ang tawag ng ilan sa dalaga na maging mga tiyahin niya na sina Gretchen at Claudine ay kumampi sa panig ni Bea na patunayan na hindi sila sang-ayon sa nagaganap sa pamangkin nila.
Sa katunayan, ang pagtataray ni Julia kay Bea sa social media ay nag-boomerang sa dalaga.
Nang mabasa ko ang balik-banat ng dalaga kay Bea, parang hindi si Julia ang sumulat. Mayroon isyung may ghostwriter and dalaga o umupa ng PR to handle her situation.
Sa kaso nina Julia at Bea, wise advice, pinangatawanan na lang ni Julia and bashing sa kanya with a “deadma” attitude dahil lilipas din yan. Mali ang defense strategy ng crisis management na kinuha ng dalaga.
Huling hirit ko sa katsipan na ito ay walang manok na tutuka sa palay, kung walang magpapatuka.
Reyted K
By RK Villacorta