KAWAWA NAMAN ang baguhang si Julia Barretto. Hindi pa man nakauusad ang karir na nagsimula lang last Mondady via DreamScape Entertainment’s Mira Bella, heto’t binabato na siya ng mga intriga.
Maarte raw ito tulad ng mga tiyahin niyang sina Gretchen at Claudine. Pinupuna ang kanyang sosyalerang pagsasalita na pa-English-English, para sa sambayanan na nakatutok sa bawat galaw niya na naka-magnifying glass lalo pa’t masasabing isa siya sa pinaka-promising na baguhang artista sa kampo ng Kapamilya Network at Star Magic.
Naawa kami sa kanya noong ini-interview siya ni Kris Aquino at Boy Abunda sa nightly show nilang Abunda and Aquino Tonight na maluha-luha ang dalaga sa mga batikos sa kanya.
Kung sa bagay, ano nga ba naman ang kasalanan niya kung nasanay siyang magsalita ng English at ‘yun ang medium of communication nila sa bahay at sa kanyang pang-araw-araw na buhay?
Bakit naman sa kanya isisisi kung ang pagiging straight forward niya at diretsahang opinion ay nagpapatunay lang kung ano siya at sino siya.
Naawa kami personally kay Julia but we love her for being that. For being the she is, na hate naman ng karamihan ng nag-uurirat sa kanya.
Actually mas prangka nga siya kumpara sa ibang mga artista na nagsisimula. Mabuti nga at may mga baguhan na diretso at sinasabi kung ano ang kanilang nararadaman at nasa sa isip. This type of stars ang gusto ko. Hindi nagsisinungaling. Hindi nanloloko tulad ng politiko.
Maging ang tinutuksong si Enrique Gil sa kanya, diretsahan niyang sinasagot na no love angle muna. “We’re friends. Nothing personal,” sabi niya pero hindi niya isinasara ang posibilidad lalo pa’t kasisimula pa lang nilang magsama sa bagong pantaserye ng Kapamilya Network na nagpasiklab noong Lunes na nakakuha ng mataas na rating na 22.0% over sa magtatapos na Paraiso Ko’y Ikaw na nakakuha lang ng 10.0%. Na kung susumahin, doble sa taas ng rating ng teleserye ng Kapuso Network.
Sa pagsisimula ni Julia sa showbiz, masasabing suwerte siya sa kanyang career bilang artisa dahil alagang-alaga siya ng DreamScape Entertainment. But on the personal side , alam ko, dahil bata (she just turned 17 years old), hindi pa sanay at bihasa sa likaw ng tutoong buhay kaya nasasaktan pa ang dalaga.
‘Pag nagtagal, alam ko masasanay rin si Julia. Pero please lang love kita sa pagiging prangka mo kaya huwag kang magbabago, hija.
Reyted K
By RK VillaCorta