WALANG DUDA na super close na nga ngayon sina Julia Montes at Coco Martin. Matatandaan dumating si Julia sa tribute screening ng serye ni Coco na Ang Probinsiyano kahit hindi siya kasama sa cast ng serye ng actor para magbigay-suporta sa dating ka-loveteam at natsi-tsismis na boyfriend niya.
Last Sunday naman, nagkaroon ng Royal Screening ang Doble Kara na pinagbibidahan ng binansagang Royal Princess of Drama at dumating din si Coco considering na super busy rin ang actor.
Dumating din sa screening ang Queen of Philippine Movies na si Ms. Susan Roces para suportahan si Julia na naging malapit din sa Royal Princess simula nang magkasama sila sa Walang Hanggan at Ikaw Lamang.
Ang buong pilot week ng Doble Kara ang ipinanood sa screening. Wala pa sa unang mga episodes sina Julia, Anjo and Edgar. Sa first few episodes, ang mga child star na sina Clyde Avery Balasbas (as young Kara and Sarah) and Harvey Bautista (as young Andy na ginagampanan ni Anjo paglaki) ang mga namayani kasama ang mga magulang nila sa serye na sina Carmina Villaroel, Allen Dizon, Ariel Rivera, and Mylene Dizon with John Lapuz.
Super galing ng batang si Clyde na halos lahat ng mga nagsipanood at dumating sa screening ay umiiyak sa ipinakitang husay sa pag-emote ng kanyang character na kambal na anak nina Mylene at Allen, pero si Ariel ang nakilalang ama ng kambal na bata.
Dahil kambal ang role ni Julia, medyo nahirapan ang actress pero super enjoy dahil nabigyan niya ng justice ang bawat role na dapat niyang gampanan at iarte.
Kaaliw ang role ni Julia as Sarah dahil may pagka-cheap ang role na nakaaaliw ang wrong pronounciation niya ng mga English word, samantalang class na class naman siya as Kara.
Kaabang-abang ang Doble Kara at hindi kayo magsisisi kapag sinubaybayan ninyo ito sa afternoon drama series sa ABS-CBN. Promise!
Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo