Julia Montes, ingat na ingat na kay Enchong Dee!

SA INTERVIEW namin kay Julia Montes sa nakaraang photoshoot ng seryeng Muling Buksan ang Puso, kung saan makakapareha niya sina Enrique Gil at Enchong Dee, ramdam namin na nandu’n pa ang pag-iwas ng aktres tuwing pag-uusapan ang tungkol sa naudlot nilang relasyon noon ni Enchong.

Kung matatandaan, nagdesisyon ang aktor na ihinto ang panliligaw sa kanya kung saan ramdam na nasaktan ang dalawa sa nangyari. Kapansin-pansin ang ‘di pagdalo ni Enchong sa 18th birthday ni Julia nu’ng nakaraang Marso.

Maiigsi lang ang mga sagot sa amin ni Julia at very safe gaya nang masaya siya sa muli nilang pagtatrabaho nila ni Enchong at wala namang nawalang pagkakaibigan kaya walang dapat ibalik. Sa nakikita namin ay ingat na ingat ngayon ang aktres hindi lang sa mga binibitawan niyang mga salita, kundi sa maaaring pagkabuhay muli ng naramdaman niya dati sa aktor.

Kataliwas naman ni Enchong sa pagsasabi na uunti-untiin niya muli si Julia para maibalik ang naging samahan nila dati. Nang tanungin din kung nawala ba ang pagmamahal niya para sa young actress, nagbigay-pahayag si Enchong na hindi basta-basta mawawala ‘yun dahil naging mahalagang parte ng buhay niya si Julia. Na naging mahalagang parte ng buhay nila ang bawat isa at magsisinungaling siya ‘pag sinabi niyang nakalimutan na niya si Julia at ang nararamdaman niya para rito.

Ito na rin ang pagkakataon para klaruhin ang isyung nagkaroon sila ng argumento ni Xian Lim dahil sa pagdalaw ng mga tagahanga nina Kim Chiu at Xian sa taping, gayong bukod sa bawal daw ito sa set ng Ina, Kapatid, Anak ay ‘di rin daw pinayagang makapasok ang mga tagahanga niya.

Ayon kay Enchong, napalaki at nadagdagan na ang isyung lumabas. Walang sigawang nangyari at agad ay nakapag-usap sila ni Xian at natuldukan kung anuman ang naging  problema.

SA LAUNCHING ng Philippine Volcanoes bilang bagong endorser ng Fila Philippines, ‘di tinago ni Andrew Wolff na malaki ang naging tulong ng pagpapaalis ng billboards ng Volcanoes na naka-underwear lang sa kahabaan ng Guadalupe, EDSA para makilala ang kanilang team.

Tiningnan ito sa positibong perspektibo kung saan nagkaroon nga naman ng awareness ang publiko sa kanilang grupo, pagkatapos ng pangyayaring iyon ay nagbigay naman ng ingay ang Philippine Volcanoes dahil sa sunud-sunod na pagkapanalo nila at pagbibigay-karangalan sa bansa sa larangan ng rugby.

Sa nasabing presscon din, klinaro ang matagal nang balita na wala raw dugong Pinoy ang mga players ng Philippine Volcanoes. Sa press release na ibinigay, lahat ng players ay makikita na lahat sa kanila ay may lahing Pinoy.

Ayon kay Andrew, sa laki ng pagmamahal ng mga kasamahan sa Pilipinas at sa kagustuhan ng mga ito na magbigay-karangalan sa bansa ay galing sa bulsa nila ang kanilang mga pamasahe papunta rito at sa mga bansang kanilang nilalabanan, dahil nga kulang ang pondo na ibinibigay ng gobyerno sa larangan ng palakasan.

Laking pasasalamat ng Philippine Volcanoes sa Fila dahil buo ang suporta na ibinibigay nito sa kanila lalo na sa darating nilang laban sa 2013 Rugby World Cup Sevens sa Moscow, Russia sa darating na June.

Kitang-kita sa aura at sa pagsasalita ni Andrew na tuluyan na nitong iniwan ang bad boy image na naikabit sa kanya dahil sa sunud-sunod noong mga gulo at kontrobersiya na kinasangkutan niya. Malaking tulong kay Andrew ang pagma-mature niya dahil sa kanyang edad, ang pagiging isang mahusay na player ng Philippine Volcanoes at ang nalalapit na pagiging isang ama, kung saan inamin ni Andrew na buntis na ang kanyang girlfriend at may balak na silang pakasal.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

Previous articleRegine Velasquez, may alinlangan na sa Siyete?
Next articleCharice, nagpakasal na sa bebot na road manager?!

No posts to display