MAY PAGKATSISMOSA ang Immigration officer na naimbiyerna kay Julia Montes.
Siya kasi ang nagpakalat na nagmaldita ang young actress nang magpakuha siya ng litrato kasama ito when she came from abroad.
Isang reporter na galing sa ibang bansa ang nakachikahan ng Immigration officer at dito niya ikinuwento ang pagmamaldita ni Julia. Ayun, kumalat tuloy ang hindi magandang kuwento sa aktres.
Hindi raw ngumiti man lang si Julia nang kunan siya ng photo kasama ang Immigration officer. Kaya siguro sa galit nito ay harap-harapan daw nitong si-nabihan si Julia na napakasuplada nito. Itsinika rin ng Immigration officer sa reporter na tinawagan niya ang kanyang mga pamangkin para sabihing huwag nang panoorin ang palabas ni Julia dahil suplada raw ito sa personal.
Ang cheap ng Immigration officer na ito, ha?
Unang-una, hindi obligasyon ng artista na magpakuha ng picture kasama ang fans. Secondly, napakatanga niya dahil hindi ba niya na-sense na wala sa mood si Julia noong mga oras na iyon kaya ito nakasimangot?
Isa pa, tama bang magpa-picture ang Immigration officer sa oras ng trabaho? At tama rin bang itsismis niya si Julia dahil nakasimangot ito during the picture-taking? Gawain ba iyon ng isang PROFESSIONAL IMMIGRATION OFFICER?
Kung lahat na lang ng artista na nasa airport ay magpapa-picture ang Immigration officer na ito, ano’ng kwenta niya bilang isang opisyal ng airport?
Nakalulungkot na Julia had to deal with this kind of Immigration officer na TSISMOSA.
Kung fan ka, aba doon ka sa network studios tumambay at magpakuha nang magpakuha ng photos kasama ang idol mong artista. Dapat hindi ka naging Immigration officer. Pinababa mo ang kalidad ng pagkatao at trabaho mo!
NAGPAPASALAMAT SI Derek Ramsay at nakita na niya ang nawawala niyang asong si Beyonce.
Pero hindi pa lubos ang kasiyahan ni Derek dahil still missing ang isa pa niyang aso, ang Pomeranian na si Lowfat.
“Good morning. Tnx again guys for helping me find one of my dogs. Beyonce is back but Lowfat is still missing. I hope she will be returned,” tweet ni Derek.
“Thank you lord and thanks to all of you for your help. Beyonce has been found but my other dog Lowfat is still missing. Tnx tnx tnx tnx,” dagdag pa niya.
“I’m so happy. Thank you guys for your help and prayers,” the hunk actor said.
Three days na ngayong nawawala ang aso ni Derek and he even offered a reward sa sinumang makapagsosoli nito sa kanya. Hindi lang niya nabanggit sa Twitter kung binigyan niya ng reward ang nakakita kay Beyonce.
Nanawagan si Derek sa Twitter the day na mawala ang kanyang mga aso. Kaagad namang tumulong si Mo Twister at in-announce sa kanyang radio show about the hunk actor’s missing dogs.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas