SAYANG AT hindi mapapanood ni Sen. Jinggoy Estrada sa sinehan ang Relaks, It’s Just Pag-ibig na prinodyus ng Spring Films at first big project ng anak na si Julian Estrada kasama sina Iñigo Pascual at Sofia Andres.
Nakakulong pa rin kasi hanggang ngayon sa Camp Crame ang ama ni Julian kaya gustuhin man nitong magpakita ng suporta sa anak, limitado lang ang puwede niyang gawin.
“May CD naman po. Sa loob na lang niya panoorin ang pelikula namin,” pahayag ng binata.
Inamin din ni Julian na kabado siya at pressured sa Relaks, It’s Just Pag-ibig dahil wala ang suporta ng ama.
“‘Yung una ko po kasi, Katas ng Saudi, bata pa po ako no’n. Ito ’yung malaki na ako kaya pressured talaga ako. Mas nakadagdag pa ng pressure na wala si daddy, tapos he’s been through a lot of things now… alam n’yo naman,” kuwento pa niya.
May advantage ba sa pagpasok niya sa showbiz na anak siya ni Jinggoy?
“‘Yung advantage, dahil siguro sa binibigay ng daddy kong advice sa akin. Marami siyang sinasabi na dapat daw mag-focus ako, dapat professional, things like that.”
Madali rin daw pakibagayan ang binata at hindi siya suplado. “‘Pag comfortable po ako sa mga tao na kasama ko, hindi po ako nahihiya. ‘Pag ‘di ko kilala, naiilang po ako,” dagdag pa niya.
Showing na ang Relaks, It’s Just Pag-ibig sa Nov. 12. The movie is under the direction of Antoinette Jadone and Irene Villamor. Produced ito ng Spring Films and distributed by Star Cinema.
La Boka
by Leo Bukas