NAKAKATUWA PALA itong si Julian Trono na napansin sa Korea dahil sa mala-K Pop niyang style nang pagkanta ng bagong single niyang Wiki Me.
Talagang na-train pala siya ng Korean producer na nagkainteres sa kanya. Ipinag-record siya nitong kanta at doon sa Korea siya nag-shoot ng MTV. Nag-guest siya roon sa isang Korean show na Show Champion at doon nga ipinakita ang kanyang MTV.
Natutuwa sila sa magandang feedback kaya sisimulan na nila ang promo nito dahil ilu-launch na nila ito sa Sunday All Stars sa Linggo.
Hindi nga raw makapaniwala si Mark Herras na tatay-tatayan ni Julian na siya ‘yung kumakanta.
Kaya isa raw si Mark sa unang bumili nito sa iTunes na nagsimula nang nagbukas nu’ng nakaraang Linggo.
Sabi naman ng taga-GMA Artist Center, dito lang daw muna mag-concentrate si Julian ng kanyang career na mala-K Pop ang dating. Kung mapapansin siya sa Korea, puwede ring doon na rin siya at malay natin, siya ang kauna-unahang Pinoy na sisikat sa K Pop.
Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis