NAKATUTUWA ANG mga tanong ng showbiz writers kay Julie Anne San Jose. Sabagay, natural ‘yun sa mga artista na hindi lahat ng tanong sa kanya ay maaaring pabor. ‘Ika nga sa kuwento, walang kulay, walang saysay ang buhay. Narito ang mga tanong sa Young Pop Diva.
Anu-ano ang mga theme ng mga kanta mo? “Iba-iba po, eh. Merong forbidden love.”
Bakit ka naman nagsusulat nang ganu’n ngayon? Meron ka nang experience? “Wala lang po…”
Baka mangyari sa ‘yo? “Hindi naman, siguro medyo nakare-relate ako at saka naisip ko classy naman, para ma-try ko naman ‘yung ibang mga kanta. Ayun may mga heartbroken song, mga forbidden love song.”
‘Yun naman pala! Bakit na-heart broken ka na ba? “Hindi naman po. Meron kasi akong kaibigan na close sa akin na ganoon ang nangyari sa kanya. Siyempre kumukuha ako ng inspirasyon sa pamilya ko. Kapag gumagawa ako ng kanta, iniisip ko na baka hindi ko na matapos kung kinabukasan pa. When I write, I do it in one sitting.”
Nasa 3rd year college na si Julie Anne bilang Communication Arts student sa Angelicum College, Quezon City. Balak niyang maging isang news anchor. Bagay kaya siyang maging host o news anchor? Artist siya, singer, tapos host pa. ‘Di ba walang palya? Hahaha!
Si Elmo, mas bata siyang tingnan sa ‘yo. Ano ba, mas matanda ba siya o baka baby face lang siya? “Oo mas matanda s’ya sa akin.”
Kasi lalaki, eh. Mas madaling mag-matured ang babae, eh. Si Julie Anne kasi mukhang dalagang dalaga na.
May business ba kayo? “Wala pa, but I am planning to put up my own business, ‘yung recording studio. Actually pinagpaplanuhan na namin, pinag-iipunan na po.”
Maging Jolina Magdangal kaya siya or Sharon Cuneta in the future? Abangan natin. Kasi ba naman singer ka, tapos kung sakaling mahasa ka sa acting, tapos maging endorser ka pa. Kailangan lamang nga ay may tamang kapartner itong si Julie Anne. I mean ‘ka-love team’. Kase ‘yung pagiging talented niya, kailangan na may ganoon din ‘yung lalaking dapat i-partner sa kanya.
Sa pangalawang release niya ng album na pinamagatang “Deeper” sa ilalim ng GMA Records, ‘di malayong lalong magmarka siya sa larangan ng kanyang napili. Kamakailan lang, tumanggap na ng 9x Platinum Rrecord award ang kanyang self-titled debut album dahil sa pinagsamang digital at CD sales nito na humigit sa 135,000 units. Subalit ang kanyang pinakabagong album ay naglalaman ng sampung all-OPM songs, kung saan anim sa mga ito ay isinulat mismo ni Julie Anne, kasama na rito ang kanyang title track na “Deeper” at ang kanyang lead single na “Right where You Belong,” ang love theme ng pinakabagong primetime Koreanovela ng GMA Network na The Master’s Sun. Samantala, ang gospel track naman nitong “Christ in Us, Our Hope of Glory” ay gagamiting theme song ng International Eucharistic Congress sa 2016.
Maliban sa mga awiting ito, maririnig din ang mga nilalaman ng puso ni Julie Anne sa kanyang mga awiting “Blinded”, “If Love’s A Crime”, ‘Diamond in my Eyes”, “Never Had You”,”Baby U Are”, “ Kung Maibabalik Ko Lang”, at “Tulad Mo”.
Dahil sa koleksyon ng mga awitin sa album na ito na nagpadama ng mga sentimental na kuwento ng pag-ibig, magiging hit ito sa buong bansa. Mabilis din itong naging matagumpay dahil kaagad nitong nasungkit ang No. 1 spot sa iTunes Top Albums Chart noong Hunyo 1, ang mismong araw na lumabas ang digital format nito.
Ito ang larawan sa canvas ni Maestro Orobia.
Email: [email protected] cp. 09301457621
Larawan sa Canvas
By Maestro Orobia