AGAW-PANSIN ANG sariling microphone ni Julie Anne San Jose na siyang ginagamit niya sa Sunday All Stars. Personalized ang design nito na may nakasulat na JAPS na siyang initials ng pangalan niya.
“Aside from siyempre do’n sa mismong quality ng tunog, kumbaga mas maganda kung may sarili kang mic para at least, ‘di ba… tantiyado mo?” aniya. “Tantiyado mo kung gaano kalakas o gaano kahina. At saka importanteng-importante ‘yong monitors mo talaga. Kailangang naririnig mo ang sarili mo. Tapos, ‘yon… sa hygiene din. Importante din ‘yon. Pero itong ganitong mic po, kailangan niya ng receiver din. Parehas niya rin.”
May kamahalan din daw ang gano’ng klase ng microphone. Nasa P120 thousand din daw ang bili niya rito, hindi pa kasama ang pagpapa-personalized nito na aabot naman ng more or less ay 30 thousand pesos.
“Maganda rin naman ‘yong ganito na nag-i-invest ka. Actually most of the international singers, merong ganitong sariling mic. ‘Yong sa akin, pinalagyan ko po ng diamonds. Para ano lang… para magandang tingnan.”
Ang taray ng mic, ‘di ba?
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan