HINDI RAW naiiwasang malungkot ng isa sa prime artist ng GMA-7 na si Julie Anne San Jose, na magseselebra ng kanyang 18th Birthday via solo concert na gaganapin ngayong May 16, 2012 sa Hard Rock Café, sa mga tagahanga ni Sarah Geronimo na nagba-bash sa kanya sa twitter.
Nag-ugat daw ang pangba-bash ng mga tagahanga ng Pop Princess kay Julie Anne nang may mga tagahangang pinagkukumpara sila, dahil na rin pareho silang magaling na singer and at the same time ay umaarte rin. Ayaw na lang daw idetalye ni Julie Anne kung anong masasakit na mensaheng ipinapadala sa kanya ng mga tagahanga ng Pop Princess.
Hindi naman daw nito gustong ikum-para kay Sarah, dahil aminado naman daw itong marami pa siyang kakaining bigas bago marating ang kung ano man ang narating ni Sarah. Isa nga raw si Sa-rah sa inspirasyon nito para paghusayan ang kanyang trabaho, dahil isa raw si Sarah sa good example na nagtiyaga at pinaghusay ang trabaho kaya sumikat nang husto.
Kuwento pa ni Julie Anne na sobrang bait ni Sarah na nakakasabay niyang magsimba, everytime daw na nagkikita sila sa Church ay binabati siya ni Sarah na labis niyang ikinatutuwa, dahil na rin sa pagiging down to Earth nito, palabati at napakabait.
HINDI NA talaga maaawat pa ang unti-unting pagsikat ng grupong UPGRADE na katatanggap pa lamang ng kanilang 2nd award bilang “Outstanding Boyband” mula sa 32nd Annual Family Entertainment Award, kung saan kasabay nilang tumanggap ng tropeo sina Ms. Imelda Papin, Mr. German Moreno, Jake Vargas, Bea Binene, Emma Cordero, Angelica Jones, DJ Joph, atbp.
Regular na napapanood ang UPGRADE sa Walang Tulugan with The Master Showman every Saturday, samantalang ang isa naman sa miyembro nitong si K-Cee Martinez ay nakatakdang mapanood bilang young George sa pinakabago at aabangang teleserye ng GMA-7, ang Makapi-ling Kang Muli, kabituin sina Richard Gutierrez at Carla Abellana.
Nakatakda ring mag-record ng kani-lang kauna-unahang album at malaking konsiyerto ang grupo bago matapos ang taon. Sobra-sobrang pasasalamat daw ang nais ipaabot ng UPGRADE sa pamunuan ng 32nd Annual Family Entertainment Award, sa kanilang manager at mentor na si Kuya Germs Moreno at sa kanilang mga tagahanga.
PUPUNTA SI Willie Revillame sa Amerika para sa inaabangang US launch ng TV5 International, ang global channel ng fastest growing network sa Pilipinas. Matagal-tagal na rin nang huling nakapunta si Willie sa Amerika at maituturing na isang “homecoming” na ito para sa sikat na host.
Kasama ni Kuya Wil sa Amerika ang mga co-host na sina Mariel Rodriguez at Camille Villar. Nandu’n din ang buong Wil Time Bigtime gang na ngayon pa lang ay puspusan na ang paghahanda para makapaghatid ng isang bonggang concert event para sa mga kababayan natin sa Amerika.
Tulad ng show ni Willie rito sa Pilipinas, limpak-limpak na premyo ang nakahanda para sa US concert nito. Ang mga dadalo sa nasabing event ay magkakaroon ng pagkakataon na makasali sa mga larong inihanda nina Willie. Maaari silang manalo ng malalaking premyo tulad ng house and lot na puwede nilang ibigay sa isang beneficiary nila rito sa Pilipinas.
Ang “The Big Launch” ng TV5 ay magsisimula na sa Mayo 26 sa Shrine Auditorium sa Los Angeles, California at sa Hunyo 2 sa Bill Graham Civic Auditorium sa San Francisco, California.
John’s Point
by John Fontanilla