HABANG PAPALAPIT nang papalapit daw ang concert ni Julie Anne San Jose na magaganap sa Mall of Asia Arena ngayong December 13, 2014 entitled “Hologram”, nakararamdam na raw ito ng kaba.
Kuwento nga nito nang makausap namin sa Christmas Lighting sa Promenada Greenhills last Saturday, Dec. 29, 2014, “Naku habang papalapit nang papalapit ‘yung concert ko, hindi ko maiwasang kabahan. Kasi ang daming dapat gawin, an’daming preparations.
“Pinaghahandaan ko talaga ito, kasi first time kong magkakaroon ng ganito kalaking concert. Halos hindi na nga ako nakatutulog. May mga times na makatutulog ako, pero nagigising ako kaagad, kasi iniisip ko ‘yung concert.
“Simula nga ng malaman kong may malaking concert ako, hindi na naging consistent ‘yung time ng pagtulog ko. Pero ako naman personally, gumagawa pa rin ng paraan para makatulog ng tama. Kasi kailngan ko ng lakas sa rigid rehearsals for my concerts, gusto ko kasi maging pulido ang lahat.
“Mahal ko kasi ang trabaho ko, kaya kailangan double effort para maging maganda ang resulta nito. Tsaka para naman kasi ito sa mga taong sumusuporta sa akin. Tsaka ‘pag lagi ko siyang iniisip, the more na nai-stress ako at napi-pressure.
“Like ang dami dami kong gingawa, may mga requirements ako sa school, tapos may mga iba pa akong commitments And then I’ve been preparing ang rehearsing a lot, kaya ang dami ko talagang ginagawa.
“Ang concert na ito kasi for me is a dream come true para sa akin. And wala namang singer na hindi pinangarap na mag-concert sa malaking venue, ‘di ba, like dito sa MOA Arena?
“Kaya nga I am really happy and overwhelm, dahil ako ‘yung napili at nabigyan ng ganitong klaseng opportunity,” pagtatapos ni Julie Anne.
John’s Point
by John Fontanilla