MAGANDA ANG naging pagsasara ng taong 2014 para kay Julie Anne San Jose. Bukod sa kanyang concert nga na Hologram sa MOA Arena, nakasama rin siya sa cast ng MMFF entry na Kubot: The Aswang Chronicles 2 na nanalong third Best Picture.
“I’m really happy and proud na napasama ako sa cast ng Kubot,” aniya. “Kasi it’s really a good film. Nitong nakaraang 2014, sobrang blessed po ako talaga. And I’m really thankful sa mga supporters ko at sa mga taong nagmamahal sa akin. And most specially si God.”
Ang kanyang album, umabot ng Diamond Record award. Na hindi raw inakala ni Julie Anne na maa-achive niya.
“Happy na ako sa Platinum at Double Platinum awards. Kaya sobrang blessing na nakaabot pa ng Diamond,” sabay ngiti niya.
So ang susunod niyang album, kailangang Double Diamond Record naman.
“Wow! May gano’n po ba?” tawa ng Kapuso singer-actress. “I’m not expecting anything naman po. As long as naibibigay ko ‘yong best ko. And idini-dedicate ko ang lahat ng mga ginagawa ko sa mga taong minamahal ko and sa mga taong nagiging inspirasyon din sa akin.”
Ano ba ang mga plans niya para sa taong 2015?
“I’m gonna be releasing another set of tracks. I think it’s gonna be a different one… a different genre. And hopefully more shows and concerts here and abroad.”
May repeat ba ang kanyang Hologram concert?
“I hope so. I hope so.”
Lovelife sa taong 2015, posible na ba kaya?
“I don’t know. I have really no idea!” sabay ngiti niya ulit. “Kasi ako, hindi po ako nag-a-anticipate, e. Kumbaga kung sinuman po ‘yong dumating sa buhay ko o kung sino man po ‘yong mga makikilala ko na mga tao, wala naman po akong problema ro’n. Kasi I believe na si Lord ‘yong naglalagay sa posisyon natin kung nasaan man tayo ngayon.”
Dati ay lagi niyang sinasabi na career at studies muna ang kanyang priority. Ngayong 2015 ba ay open na siya sa pagkakaroon ng boyfriend?
“I think gano’n pa rin po talaga. Career at saka pag-aaral pa rin.”
Graduating na si Julie Anne sa kursong Communication Arts sa Angelicum College.
“I have a lot of priorities pa rin. I have my work and I have my school. Kaya I think I have to set aside muna ‘yong lovelife,” sabi pa ni Julie Anne.
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan