NAGSIMULA NANG umere ang pinakabagong primetime series ng GMA-7 na Kahit Nasaan Ka Man, kung saan bida si Julie Anne San Jose. Leading man niya rito si Kristoffer Martin at kasama rin si Lucho Ayala bilang ka-love triangle nila.
Aminado ang Kapuso singer-actress na kabado siya. Lalo pa nga’t kalahati ng timeslot ng seryeng uang pinagtatambalan nila ni Kristoffer ay katapat ng Got To Believe ng ABS-CBN na tampok naman ang magka-loveteam din na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.
“I feel pressured din po,” aniya. “Kasi ‘yong timeslot nga po. So talagang pressured ako. Pero hindi naman po kami nakikipagkumpitensiya, eh,” pagtukoy niya sa makakatapat ngang primetimes series nina Daniel at Kathryn.
Sa isang banda, masarap din daw sa pakiramdam na sa unang pagkakataon ay nabigyan siya ng primetime series ng GMA. “Sa Telebabad siya. At ito ang timeslot na everyone is watching.”
Lovestory na medyo musical at drama rin ang tema ng Kahit Nasaan Ka Man. Open ba siya sakaling i-require na magkaroon sila ng kissing scene ni Kristoffer?
“Actually nasa first week pa lang po kami. So hindi ko po sure kung meron po talaga. But if ever na meron, I’m open naman po. I’m open for it. And I’m working professionally naman po. So, wala naman pong kaso sa akin ‘yon. At saka work naman po iyon.”
Nag-screen test ang dati niyang ka-loveteam na si Elmo Magalona for the role bilang leading man niya. Pero si Kristoffer nga ang napili. Kaya ngayon, medyo nagkakaroon ng intriga. May mga basher din si Kristoffer lately kaugnay nga nito.
“Actually, hindi naman po kasi kami ang nagdi-decide, eh. Kumbaga, it’s the management’s decision kung sino po ‘yong casting nila. And baka nga po siguro ngayon, nagkataon na hindi po siya ‘yong nakapareha ko. Na ‘yon nga, si Kristoffer ‘yong naging kasama ko na. ‘Yon, masasabi ko na opportunity na rin ito para magkaroon ako ng sarili kong growth sa career. And siyempre, siya (Elmo) rin. Sa mga iba pa niyang projects. ‘Di ba?”
Alam ng lahat na si Kristoffer, in real life ay karelasyon ni Joyce Ching. Ang single sa ngayon, gaya ni Julie Anne, ay si Lucho Ayala na gumaganap bilang isa pang magkakagusto sa kanya. Malamang ay silang dalawa nito ang ma-link sa isa’t isa?
“I don’t know. We can’t tell,” nangiti sabi ni Julie Anne.
Si Lucho, diretsahang sinasabi na open daw ito sa anumang puwedeng mangyari sa pakikipagtrabaho sa kanya.
“Uhm… I’m not shutting my doors to anyone naman, eh. At saka hindi naman talaga natin maiiwasan na darating at darating ‘yon. ‘Di ba? And hindi naman siguro kaya ring pigilan talaga. Basta ano, for now, trabaho po talaga. Trabaho muna.”
Since nasa primetime ang bagong soap na pinagbibidahan niya, baka siya na ang matatawag na Primetime Princess ng GMA?
“Wow… ang bilis naman po agad!” nangiti ulit na reaksiyon ni Julie Anne. Well… isa rin po sa mga pangarap ko ‘yan. And siyempre, magiging honored din naman po talaga ako. Na… if ever man. ‘Di ba?”
Isa pang labis na ikinasisiya ngayon ni Julie Anne, nominado siya sa kategoryang New Female Recording Artist Of The Year sa Star Awards For Music ng PMPC (Philippine Movie Press Club) na gaganapin sa balloom ng Solaire Hotel sa Pasaya City on October 13.
“Sobrang masaya po talaga ako. At saka hindi ko po inaakala. Blessed talaga ako.”
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan