NO’NG MAGSISIMULA pa lang umere ang Kahit Nasaan Ka Man, aminado si Julie Anne San Jose na sobrang kaba at pressure ang kanyang nararamdaman. Ngayong maganda naman ang feedback ng viewers at tanggap naman ang loveteam nila ni Kristoffer Martin, hindi pa rin daw niya masasabing relaxed na siya.
“Somehow may pressure pa rin po,” aniya. “Kasi siyempre kailangan naming i-maintain lahat. Simula sa story. Sa acting. At saka mismo ‘yong viewers talaga.
“Pero of course, sorang happy po talaga ako. At saka thankful, kasi sinusuportahan po nila ‘yong show namin. And of course, ‘yong sa album din po. Akala ko kasi po, hanggang do’n na lang, eh,” sa Quintuple Platinum ang kanyang album.
“Five times Platinum ‘yong Quintuple. Eh, lately, sinabi sa akin, umabot pa raw ito ng seven times Platinum. Sabi ko, grabe! Sobrang nakakatuwa talaga ‘yong feeling. Na… hindi ko alam! Kung ano na nga ba ang tawag sa seven times Platinum?” sabay ngiti niya.
“Sa ngayon, nagri-recording na po ako for my next album. Ang target po namin, mai-release ito by February next year.”
Paano kaya hahabulin ng kanyang next album ‘yong seven times Platinum record ng kanyang first?
“Oo nga po, eh. Naku, nakaka-pressure para ro’n sa second album!” nangiting sabi pa ni Julie Anne.
MALAPIT NANG matapos ang filming ng San Pedro Calungsod: Batang Martir. Isa ito sa entries sa nalalapit na Metro Manila Film Festival sa December, kung saan bida si Rocco Nacino.
“We have two more shooting days,” sabi ng aktor. “‘Yong last namin, sa Sapatos Island in Zambales namin ginawa. At do’n namin kinunan ang lahat ng eksena ko by the beach. Do’n din naming ginawa ‘yong death scene ko. At the whole day, in character ako. Kaya mabigat na mabigat ‘yong eksena namin no’ng pagdating na sa death scene ko. I was happy with the scene. Kasi, nagawa ko nang maayos.”
Excited na ba siya sa sinasabing posibilidad na baka siya ang tumanggap ng best actor trophy sa MMFF this year para nga sa San Pedro Calungsod movie?
“Hindi ko alam!” nangiti niyang sagot. “Ewan ko. I’m keeping my fingers crossed! Siyempre. But then, uhm… mas iniisip ko na iparating ‘yong message ko sa tao about our saint. At ikuwento ‘yong story niya through my role.
“Kaya kung makakuha ako ng comments from people na nagustuhan nila ‘yong pelikula at naintindihan nila and lalo nilang na-appreciate si Saint Pedro Calungsod… award na iyon para sa akin. Kung may ibang awards pa man, bonus iyon. Bonus ‘yon. Siyempre, who would not want to win an award?”
Muling nangiti si Rocco nang ang sunod namang mapag-usapan ay ang ex-girlfriend niyang si Sheena Halili. Friends naman daw sila ngayon. Hindi nga lang daw sila nagkakausap lately.
Aware na siya na merong isang non-showbiz guy na nagpapasaya kay Sheena ngayon?
“May nakita kong mga tweet tungkol do’n. I’m happy for her. Oo naman. Of course! And siyempre, every girl wants to be loved. Me and Sheena had a great thing no’ng ime na ‘yon,” na sila pa ang ibig niyang sabihin.
“And masaya ako na we both shared, a… paano ko ba sasabihin ‘to? Uhm… we both shared good experiences with each other.”
Kung sabagay, may Lovi rin naman siya na nagpapasaya rin sa kanya ngayon, ‘di ba?
“Ay, hindi naman sa gano’n!” tawa ulit ng aktor.
Hindi totoo na nagkakamabutihan na sila ni Lovi na leading lady niya sa primetime series ng GMA-7 na Akin Pa Rin Ang Bukas?
“Hindi totoo. Gano’n pa rin naman kami, eh. Wala pa ring nagbabago sa pagiging magkaibigan namin,” sabi pa ni Rocco.
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan