Kawawa naman si Julio Diaz. Ayaw siyang pasuwelduhin ng isang malaking television network dahil kailangan daw niyang mag-issue ng kanyang sariling resibo.
“Nahihirapan ako sa bago nilang sistema. ‘Di ba nagka-emegrecy ako at kailangan ko ng pera? Sana ginawan na lang nila ng paraan,” panimula ng aktor nang makausap namin siya yesterday.
“Mabuti pa ‘yong isang TV network na madaling kausap. Nakuha ko kaagad ang TF (talent fee) ko. Tinulungan ako ng EP (excutive producer) ko sa show,” sabi niya sa amin.
Pero ‘yong isa, kahit nakiusap na ang EP niya sa accounting department na kailangan niya ang kanyang TF para pambili ng maintainace meds niya, hindi nagawan ng paraan.
“SOP (standard operating procedure) raw ‘yun. Hindi ko naman sinisisi ‘yong EP o ‘yong istasyon. ‘Yun daw talaga ang procedure nila. Sana nagawan man lang ng paraan para hindi na ako bumalik. Galing pa ako ng Meycauayan,” kuwento niya sa amin na for the first time after his near death experience kamakailan, siya lang mag-isa (na walang alalay) ang lumuwas ng Manila galing Bulacan, kung saan siya tumitigil at nangyari ang kanyang pagka-stroke.
“Naalala ko, may pinaaayos ako sa bahay ko. Nagbibigay ako ng instruction sa karpintero na nagre-renovate ng bahay ko. Siguro ‘yong pagyuko ko na tumutulong din sa gawa nila, doon tumaas ang presyon ko, na ang dugo ko naipon sa ulo kaya nangyari ‘yon. Bukod pa sa stress na nararanasan ko habang nagpapaayos ng bahay.”
After palang magpahinga ni Julio Diaz sa Baguio matapos ang kanyang operasyon dahil sa natamong aneurysm kamakailan; doon siya pansamantalang tumigil.
“Kailangan kong tumira sa Baguio dahil malamig, para iwas alta-presyon. Salamat sa Diyos. Salamat sa pangalawang buhay kong ito,” sabi niya.
During his near-death experience ano ang naaalala niya?
“Wala akong maalala na may sinasabi silang maliwag na sa dulo ng madilim na tunnel. Hindi ko maalala. Pero may mga eksena ako na naaalala ko na may mga kausap ako, pero hindi ganu’n kalinaw. Hindi ko rin maalala kung sino ang mga kausap ko. Baka ‘yon ‘yong sinasabi nila na naghihiwalay ang kaluluwa ko,” sabi niya.
That afternoon, pagkatapos ng pag-uusap namin, papunta si Julio kay Direk Brilllante Mendoza para magpasalamat nang na-ospital siya. Kasama si Julio sa “Ma’Rosa” na dinirek ni Brillante, ang pelikulang nagbigay kay Jaclyn Jose ng Cannes International Film Festival Best Actress Award.
Kahapon, pagkagaling niya kay Direk Brillante, balik-Baguio si Julio para ipagpatuloy ang kanyang rehabilitation for another two more weeks.
Praying for Julio na gumaling na kaagad para makabalik muli siya sa trabaho tulad ng dati, and hopefully ay masingil na niya ang kanyang TF sa istasyon na hindi man lang siya pinagbigyan para may pambili ng kanyang maintenance drugs.
Reyted K
By RK VillaCorta