TAHIMIK MASYADO ang buhay-showbiz ni Juris Fernandez, kaya naman nang natiyempuhan namin siya sa isang event, inusisa namin ito sa kanyang lovelife and it turned out, she’s already married to a Chinese businessman na ayaw niyang pangalanan.
November pa raw last year sila ikinasal and they are wishing na magka-baby na this year.
“Basta hindi kasi showbiz eh, and matagal na kami. Tahimik lang talaga ‘yung kasal namin last November and walang showbiz personality na invited.”
Nilinaw naman ni Juris na till now ay hindi sila on speaking terms noong dati niyang kasamahan sa MYMP. Basta ganu’n lang daw, walang communication. At isa pang nilinaw niya, dahil ang misconception daw lagi ay naging sila pero hindi raw talaga dahil BF na niya ang kanyang napangasawa ngayon during her stint sa MYMP Band.
NATIYEMPUHAN NAMIN si Eddie Garcia sa taping ng Pidol’s Wonderland noong Martes at nasaksihan namin na talagang napakagaling pa rin ni Sir Eddie pagdating sa pag-arte. Wala pa ring kupas ang kanyang acting, ‘ika nga. At nang nakakuwentuhan ko na siya, ikinuwento niya sa amin ang ganda ng pelikulang Bwakaw ang entry nila sa Cinemalaya 2012 Director’s Showcase.
Idinirihe ng magaling na manunulat at director na si Jun Lana, ang Bwakaw ay sumesentro sa relasyon ng isang tao at sa tinaguriang man’s best friend, ang aso. Kuwento ni Tito Eddie, “Istorya ito ng isang may edad nang lalaki, meron siyang alagang aso na mahal na mahal niya. ‘Yung asong ‘yun ay matalino, natuturuan ng maraming tricks. Isang araw, nagkasakit ‘yung aso, kung saan-saan niya dinala para masalba at mailigtas sa panganib pero hindi ito nakaligtas at namatay.
“Kasama namin dito sina Rez Cortez, Armida Siguion-Reyna, Soxy Topacio at Gardo Verzosa.” Dagdag pa ni Tito Eddie, “Sa kuwento, lahat ng pag-aari ko, kung ano man ‘yun, gamit sa bahay kung anu-ano, in-assign ko na sa mga kaibigan ko, na kapag namatay ako, ito ay mapupunta kay ganyan ito, kay ganyan iyon. ‘Yung storya talaga ay may comedy, drama, may humor. Lahat ng ingredients para sa isang magandang pelikula.”
Sa July na mapapanood ang Bwakaw during the weeklong exhibition sa Cinemalaya Film Festivals sa CCP.
NOONG MIYERKULES, sa presscon ng Icons at the Arena: Masters of OPM concert na gaganapin naman sa June 16, sa MOA Arena, may kasamang media tour sa loob mismo ng bagong events venue at napamangha kami sa state of the art at ganda ng lugar.
Bagong bukas pa lang ang lugar at una ngang gumamit dito ay ang international singer na si Lady Gaga. Kuwento pa ng nag-tour sa amin, sobrang maselan ang singer. Nag-request daw ito na dapat ang dressing room niya ay kulay puti lahat, may refrigerator na kulay puti rin na may transparent door. Dagdag pang kuwento ng nag-tour sa amin, may sariling chef si Lady Gaga para magluto ng kanyang pagkain.
Isa pa raw request ng singer ay lalagyan ng iba pang lock ang kanyang dressing room na siya lang ang may susi. Sosyal!
Sure na ‘to
By Arniel Serato