TAKOT DAW SA iniksiyon si Marvin Agustin. Kaya nga, sa pagkalat ngayon ng sangkaterbang treatment para lalo pang gumanda at gumuwapo ang mga kliyente ng mga surgicenters gaya ng kina Doc Manny and Pie Calayan, sige naman sila ng kaka-introduce ng mga non-invasive procedures gaya ng tenor laser o kaya eh, ang oral drops.
Eh, guwapo na si Marvin at mukhang okay naman ang katawan. Ibig sabihin, may mga taba pang kelangang sipsipin sa katawan niya?
Sabi ng aktor, hindi siya nagda-diet. Kasi nga, taliwas naman ‘yun sa pagiging businessman niya. Sa dami ng restaurants na kanyang pag-aari, hindi p’wedeng ‘di siya kumain.
Sabi pa ng aktor nang patuloy naming kinulit, wala naman daw kailangang bawasan o dagdagan sa katawan niya. At lalo raw walang paiikliin o pahahabain.
Tawa kami ng tawa. Eh, ayaw naman niyang ipa-sight ng prouder than ever to be a Kapuso ang sinasabi niyang ‘di na kailangang iklian o habaan, ‘no!
PARA NAMANG SINASADYA, sa Proud Mary ginanap ang album launch ni Juris Fernandez. The name rings a bell. Eh, s’yempre, siya ang bokalista noon ng Make Your Momma Proud band na mas nakilala as MYMP.
Eh, nagso-solo ngayon ang Juris. Nakipaghiwalay sa partner niya (sa banda lang, ha?) na si Chin Alcantara.
Mutual understanding naman daw ‘yon. Pero hanggang sa kausap namin si Juris, hindi pa rin niya masabi ang tunay na dahilan ng paghihiwalay nila.
Ang bago raw meaning ngayon ng MYMP, eh, make your Momma PROUDER. Simple lang ang komento ni Juris,“If they are prouder, I am HAPPIER.”
Hindi pa rin naman maiwasang hindi masali sa usapan ang pinagmulan niyang grupo. Kaya nga sa kaka-talk ng Juris, mas nalalaman namin na most of the members of the band pala went with her, pati na ang kanilang manager.
Ang malinaw lang, hindi naman daw totoo ang balitang niligawan siya ni Chin at ‘di niya tinanggap kaya sila naghiwalay dahil kasama pa rin daw ni Juris ang boyfriend niya, for four years now.
Ni-launch na ang kapalit niya sa grupo. Like her, galing din ng Davao. At letter J din ang name – Juliet. Isinalang na sa first show with Chin.
Iku-quote ko lang ‘yung isang writer na taga-du’n sa venue kung saan ginawa ang show nila, na nag-say na diumano nag-flop nga.
May sasabihin ba si Juris? “Basta I’m happier. Happy kasi, hindi ako iniiwanan ng mga supporters ko. Kahit na solo na ako now. Love pa rin nila ang music ko na niyakap nila sa akin.”
Pinansin nga namin ang pag-e-emote ni Juris sa MTV ng I Love You, Goodbye version niya (na included sa bagong album niyang Juris). No, wala raw siyang planong mag-artista. Sing na lang to be prouder and happier.
The Pillar
by Pilar Mateo