YESTERDAY, SUNDAY morning habang nagkakape, heard over DZMM na ibinabalita ng radyo patrol reporter nila na ikinulong ang young actor na si Matt Evans, dating ka-loveteam ni Melissa Ricks na lalong nakilala sa kanyang pantaseryeng Pedro Penduko (at sa kanyang Afro hairstyle) dahil sa pambubugbog.
Ayon sa balita, nakakulong last Saturday night si Matt sa kasong pananakit sa live-in partner na almost 3 weeks pa lang nakapanganak at sa kapatid nito sa Mercedes Avenue, San Miguel, Pasig City.
Ayon sa report at sa salaysay ng kapatid ng ka-live-in ni Matt, lasing itong umuwi na suppose to be ay bibigyan ng magkapatid ng surprise birthday party nu’ng Sabado ng gabi (today, Monday ang kaarawan ng actor), at sa hindi malamang dahilan ay nauwi sa pagtatalo. Naitulak umano ni Matt ang babae sa may hagdanan, kung kaya’t sinaway ito ng kapatid. May pasa umano sa kanang mata ang live-in partner ni Matt, habang bugbog at sipa rin umano nang inabot ng kapatid nito sa pag-awat sa aktor.
Humantong pa raw sa hamunan ang aktor at ‘bayaw’ na parehong may hawak na patalim. Naawat lang daw ito ng babae hanggang sa dumating ang mga opisyal ng barangay at dinampot ang aktor.
Ngayong araw aayusin ang kaso ni Matt na dalawang gabi nang nakakulong sa Pasig City Police Headquarters. Isasampa ang kasong Violation Against Women at Physical Injuries laban sa actor.
Maglalabas din ng kanilang official statement ang Star Magic (ang nagma-manage ng career ng actor) tungkol sa insidente ngayong araw, Lunes.
DAHIL SA kumita ang mga pelikula na tumatalakay tungkol sa buhay at emosyon ng mga kabit, kerida, mistress na nagbigay ng magandang box-office result sa mga pelikulang No Other Woman at The Mistress; ano kaya ang naghihintay sa pelikulang A Secret Affair?
Pangalawang tambalan ito nina Derek Ramsay at Anne Curtis na sinahugan naman ng presence ni Andi Eigenmann. Ano kaya ang maio-offer ng pelikula aside from the spicy dialogues at confrontation scenes ng dalawang mga bidang babae?
Sa trailer na napanood namin, we find nothing new na nagawa o bago na ipinakita ng naunang dalawang pelikula. Marahil ang bago lang ay ang mga English lines nina Anne at Andi na parehong matatabil ang mga dila kumpara kay Cristine Reyes na sa huling pelikula niya, never heard her spoke a line or two in English.
Hopefully, sana ang pelikulang ito ang magbibigay or shall I say iaangat muli ang natutulog na career ni Derek na after lumipat from Kapamilya Network at nasa TV5 na ngayon naka-kontrata (sa totoo lang nabantilawan ang popularidad ni Derek) ay makabuwelo naman ito.
Sa much publicized coverage ni Derek sa nakaraang London Olympics, may nangyari ba sa career niya? At ang latest offering ng Kapatid Network after the Olympics ay ang Amazing Race Philippines kung saan si Derek ang host, sana – sana nga lang ay makabalik sa puwestong iniwanan niya ang actor, na para sa amin, nabantilawan ang karir niya sa ginawang desisyon na iwanan ang Kapamilya Network.
Reyted K
By RK VillaCorta