Kaabang-abang na pelikula ngayong 2014

KUNG MAY hangover pa kayo sa mga pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival at na-miss ang mga international films noong nakaraang Disyembre, huwag mag-alala dahil ang taong ito, taong 2014 ay taon ng mga pelikulang tiyak na aabangan ninyo.

Enero pa lang, unang buwan ng taon, masisilayan na ang pelikulang dati-rati sa mga myth books lang nababasa, ngayon mapapanood na sa sinehan ang Legend of Hercules. Sa buwan ding ito mapapanood ang isa sa mga pinakanakakatakot na pelikula sa henerasyon ngayon ang Paranormal Activity: The Marked Ones. Sasabayan din ito ng Lone Survivor na base sa tunay na istorya ng buhay, Her na isang love story, I, Frankestein at Labor Day na pagbibidahan nina Kate Winslet at Josh Brolin.

Sa Pebrero naman mapapanood ang pagsasapelikula ng pinakasikat na libro ng “Vampire Academy” pati na rin ang The Monuments Men na pagbibidahan ng award-winning na actor na si George Clooney, The Lego Movie at ang remake ng Robocop.

Para naman sa mga book lover diyan, malamang nabalitaan na nila sa buwan ng Marso na ipapalabas ang pagsasapelikula ng pinakasikat ng unang libro sa best selling trilogy ni Veronica Roth ang Divergent. Sa Marso rin ipalalabas ang Veronica Mars, The Grand Budapest Hotel, 300 Rise of an Empire at Grace of Monaco na pagbibidahan ng sikat na sikat at walang kupas ang kagalingan na si Nicole Kidman.

Sa Abril naman, sing-init ng summer ang mapapanood n’yo sa big screen, ang Captain America: The Winter Soldier. Kasabay rin ang Dom Hemingway, ang animated sequel ng Rio 2 at Transcendence na isang sci-fi film.

Kung paiinitin ng pakikipagbakbakan ni Chris Evans, o mas kilala bilang Captain America ang Abril ninyo, mapananatili ang init na ito sa buwan ng Mayo dahil kay Andrew Garfield as Peter Parker sa pelikulang The Amazing Spider- Man 2. Jampack din ang buwan na ito dahil masisilayan din ang mga pelikulang X-Men: Days of Future Past, Legends of Oz: Dorothy’s Return at Maleficient na kung saan talaga namang aabangan ng karamihan ang pagganap ni Angelina Jolie bilang kontrabida ng nasabing Disney movie.

Sa Hunyo naman, hati-hati ang inyong mararamdaman dahil ie-extend ni Channing Tatum ang inyong Summer dahil sa kanyang pelikulang 22 Jump Street. Ito ay sequel ng 21 Jump Street. Tayo rin ay paiiyakin ng The Fault in Our Stars, ang pelikulang tungkol sa dalawang teenagers na may cancer na na-in love sa isa’t isa.

Ang mga pelikulang nabanggit ay bibida na sa kalahati pa lang ng taon. Marami pa ang parating. Kaya markahan na ang inyong kalendaryo dahil sa mga pelikulang marahil uubos ng pamaskong nalikom  n’yo, pero paniguradong hindi n’yo naman pagsisisihan matapos panoorin ang mga ito.

Kung kayo ay may suhestiyon o komento maaaring mag-email sa [email protected] o mag-text sa 0908-8788536.

Usapang Bagets

By Ralph Tulfo

Previous articlePast Issue Pinoy Parazzi Vol 7 Issue 8 – January 06 – 07, 2014
Next articleKilalang personalidad, usap-usapan sa Twitter ang pagkamatay

No posts to display