0919-835xxxx – Isang magandang araw po sa inyo, Sir! Ireklamo ko lang po ang Tugatog Cemetery, kasi po September 17 pa po nailibing ang tatay ko at noong October 30 pinasyalan ko po, hindi pa rin nakasemento. Inireklamo na po ng nanay ko sa opisina nila. Binalikan ko po kahapon kalahati pa lang nakasemento. ‘Di pa nakaayos ang lapida samantalang fully paid na po kami bago pa ilibing ang tatay ko. Sana po matulungan ninyo kami.
0908-374xxxx – Good day, Idol! Sumbong ko lang ang talamak na sabong dito sa amin sa Brgy.178, Villa Imelda, Camarin, Caloocan City. Grabe na po kasi, araw-araw na talaga. ‘Di po umaaksyon ang barangay captain at kapulisan. Balita ko po, hawak daw po ng pulis. Pati mga kabataan lulong na din po. Sana sa pamamagitan ninyo ay maaksyonan ang problemang ito.
0933-642xxxx – Idol Raffy, ask ko lang po kasi up to now wala pang balita sa OWWA tungkol sa lumalalang kalagayan ng mga OFW sa Qatar. Sana po, Idol, matulungan ninyo kami. Kayo na lang po ang makapagre-rescue sa kanila. Hindi na raw po sila pinakakain kahit umihi ay bawal din. Pakiusap lang po, pakitulungan ninyo kaming mga kapamilya nila.
0948-679xxxx – Sir, I am a graduating college student sa isang public university sa Laguna. Gusto ko lang pong itanong kung hanggang saan po ba kami puwedeng tumanggi sa pagkuha ng mga ticket sa palabas at raffle dahil ako po ay nagbalik ng tickets pero tinanggihan po ako ng dean. Sabi po niya, makonsensya na lang daw po kami, dahil bukod-tangi kami lang ang nagsoli. Isa pa po, kailangan po ba na kalahati ang dapat down payment kapag nagbayad sa enrollment? Mag-eenrol po sana ako next week, pero ‘di ko po kayang ibigay ang 50% na down payment. Sana po matulungan ninyo ako.
0907-282xxxx – Magandang araw po, Sir! May idudulog po sana kami sa inyo. Namatayan po kasi ako ng anak, apat na taong gulang, dahil tinanggihan po sa ospital ng Trece Martires, Cavite sa kadahilanang wala na raw bakanteng ward, samantalang may bakanteng higaan na maaaring pagpuwestuhan ng bata. Nakiusap po kami sa doktora na kung maaari ay bigyan ng suwero o panandaliang lunas upang maibsan ang nararamdaman ng bata ngunit tinanggihan ng doktora. Wala kaming nagawa kundi umalis. Sana po ay ‘di na maulit ang ganitong insidente.
0932-851xxxx – Mr. Tulfo, isa po akong concerned citizen, kung maaari po sanang pakitutukan ang Guiguinto, Bulacan dahil sa mabaho at masangsang na amoy ng nabubulok na feeds. Ito po ay naisangguni na sa barangay at pinuntahan na rin po ng pulis subalit wala pa ring nangyari. Nakasasama po kasi sa kalusugan ng mga bata at meron pa po kaming kasamang may karamdaman. Sana matulungan at matugunan ang aming hiling.
0907-618xxxx – Sir, gusto ko lang sanang ireklamo ang isang barangay health worker dito sa amin sa Bantayan, Cebu na nangongolekta ng pambayad sa bakuna ng aso at nagpapapirma ng mga dokumento na received mo na ang isang gamit na hindi mo naman pa talaga natatanggap. Ang name ng BHW na ito ay si Merly Destrisa. Sana mahinto na ang kanyang maling gawain.
ANG INYONG lingkod ay napakikinggan sa programang WANTED SA RADYO sa 92.3FM, Radyo5, Lunes hanggang Biyernes, 2:00 – 4:00pm. Ito’y kasabay na mapapanood sa AksyonTV Channel 41. Para sa inyong sumbong o reklamo, mag-text sa 0917-7WANTED.
Shooting Range
Raffy Tulfo