Inilihim pala talaga ng produksyon sa media at publiko ang kakaibang role ni John Lloyd Cruz sa pelikulang “Ang Babeng Humayo” na nasa direksyon ni Lav Diaz, kung saan ang role ng magaling na aktor na si Lloydie ay isang tranny o baklang mujerista.
Ipinakiusap ni Direk Lav na huwag munang i-reveal ang karakter ng aktor bago sila lumakad sa red carpet para sa Venice International Film Festival.
Noong araw na naka-schedule ang premiere night ng pelikula sa Venice, noong umagang ‘yun, sa Facebook account ni Baby K. Jimenez, dating entertainment writer at publicist na close kay Ms. Charo Santos Concio (CSC) na gumaganap naman sa role ni Horacia, nakita naman namin ang picture ng aktor kasama si CSC na nakabihis-tomboy.
Yes, the typical “butch” na bruskong tomboy na disguise niya sa pelikula, kung saan matapos makulong at nakalaya, umuwi sa bayan nila at ginawa ang paghihiganti sa mga taong may pagkakautang sa kanya.
Si Lloydie, nang i-offer sa kanya ang kontrobersiyal na role (it’s JLC first tranny role), hindi na nagdalawang-isip, which for me is a good sign bilang isang artista na kaya sila umaarte sa harap ng kamera ay para patunayan ang lawak ng kanilang pagkaintindi sa kanilang trabaho bilang artista na kahit anong role ay gagawin nila dahil isa silang artista. Malaki kasi ang tiwala ni Lloydie sa director niya.
‘Di nga ba’t naging director na ni Lloydie si Direk Lav sa pelikulang “Hele sa Hiwagang Hapis”, kung saan kasama ni JLC sa pelikula si Piolo Pascual.
Kung itinago muna ang karakter ni Lloydie sa pelikula na mapanonood na sa Wednesday, September 28, sa dalawang magagaling na mga artista na sina Mae Paner (na mas kilala sa karakter niyang Juana Change noong panahon ni dating Presidente Noynoy Aquino) at ang singer-komedyante na si Kakai Bautista, itinago naman sa kanila na si Miss Charo Santos ang makasasama nila sa movie. Tinangap nila ang project without knowing na si CSC ang makaeeksena nila.
Ang pelikulang “Ang Babaeng Humayo” ay mapanonood in black and white at may running time na less than four hours at produced ng film outfit ni Direk Lav na Sine Olivia (na halaw mula sa pangalan ng kapatid ni Direk na namatay sa aksidente) at Cinema One Originals, distributed ng Star Cinema.
Reyted K
By RK VillaCorta