0923964xxxx – Sir, pakiaksyunan naman po ang mga nangyayaring kabalbalan sa LTO Dagupan, Pangasinan dahil lahat ng transaksyon dito ay dumadaan sa mga fixers sa vehicle registration pati sa licensing. Kasabwat ang mga empleyado sa insurance, drug test, medical at iba pa.
0928301xxxx – Idol, sana po ay makalampag ninyo ang mga kinauukulan dito sa Barangay Siranglupa, Calamba, Laguna at sa mga katabi pang barangay dahil naglipana po dito ang mga taong nagdadala ng baril. Nakakatakot po kasi marami ang nagpapaputok na lang basta-basta. Sana po ay matulungan ninyo kami. Salamat.
0912179xxxx – Sir Raffy, gusto ko sanang maimbestigahan ninyo kung bakit ang mga naka-duty na tanod sa gabi dito sa aming barangay ay may mga nakasukbit na baril. Nakakatakot po dahil mga kilalang addict ang mga ito. Salamat po.
0926780xxxx – Isa po akong driver ng truck at nais ko pong ireklamo ang mga pulis na nangongotong kapag gabi sa Manila, Bulacan at Alabang.
0907953xxxx – Mr. Tulfo, sana po ay agad ninyong maaksyunan itong aking reklamo tungkol sa kagawad na nanutok at namaril dito sa aming barangay sa Quezon City. Salamat po.
0999306xxxx – Sir, pakikalampag naman po ang mga kinauukulan na magkaroon ng police visibility dito sa Boilago na sakop ng Payatas at boundary ng Silangan dahil linggu-linggo na lang na may nagaganap na holdapan. Maraming Salamat po.
0938827xxxx – Isa po akong concerned citizen ng Agdangan, Quezon Province at itatanong ko lang po kung tama ba na sipain at sapakin ng isang pulis ang kanyang inaaresto? Salamat po.
0948810xxxx – Sir, may anak po kasi akong nag-aaral sa Philippine Normal University sa Taft Avenue at napansin ko po ang kakulangan ng traffic enforcer sa lugar na iyon. Sana po ay masabihan ninyo ang mga kinauukulan para magkaroon ng mga traffic enforcer sa lugar na iyon sa kadahila-nang may mga namamatay dahil sa aksidente ng sasakyan sa lugar na iyon.
0927801xxxx – Mr. Tulfo, itatanong ko lang po kung tama ang ginagawa ng eskuwelahan ng tatlong anak ko. Naniningil kasi sila ng tig-P400 tuwing end ng school year, para daw sa awarding ng mga top students sa school at graduation. Wala naman pong ga-graduate sa mga anak ko. Ngayon po nang kukunin ko na ang card ng mga anak ko ay ayaw nilang i-release dahil kailangan ko raw bayaran ang P1200. Ano po ba ang karapatan namin dito? Salamat po. – Concerned parent ng Cavite
0910897xxxx – Idol Raffy, isusumbong ko lang po ang mahal na pagkuha ng barangay at police clearance sa aming barangay dito sa Pililla, Rizal. P150 po ang halaga ng police clearance at P100 naman ang para sa barangay clearance. Napakamahal naman po, kawawa naman po kaming mga bagong graduate na kailangan ng clearance para makapag-apply ng trabaho. Salamat po.
Ang WANTED SA RADYO (WSR) ay napapakinggan sa 92.3 NewsFM, Radyo5, Lunes-Biyernes, 2:00-4:00 pm. Ang WSR ay kasabay na mapapanood sa Aksyon TV sa channel 41. Channel 1 sa Cignal Cable at Channel 7 naman sa Destiny.
Shooting Range
Raffy Tulfo