SA WIKANG Ingles, kabigha-bighani means “attractive” o “captivating”. Mga very apt descriptions kay BIR Commissioner Kim Henares. So let her take a bow.
Sa impeachment trial ni CJ Renato Corona, outstanding ang performance ni Kim bilang witness ng prosecution. Knowledgable, kalmado at nag-exude ng kakaibang audience charm. Bukod dito, like the “girl next door” ang dating na nakahahalina. Sa mahihirap na tanong, ‘di nagpatumpik-tumpik. Malinaw at totoo lahat ang isinagot. Very honestly candid. At convincing.
Nu’ng unang buwan ng pag-upo sa puwesto, medyo antipatika ang dating niya sa akin. Ayaw ko ng kanyang ismid at nakakainis na ngiti. Ngunit sa kabila ng mga ito, alam kong perfect siya sa job. ‘Yun lang, talagang napaka-antipatika ang dating.
Sa paglilitis ng Article II ng impeachment complaint, walang kaduda-duda na si Kim ang naging vital witness. Sa kanyang mga factual revelations, naisiwalat niya ang SALN discrepancies ni CJ Corona laban sa kanyang reported income. Conclusion: may posibleng ill-gotten wealth. Ngunit ang maghuhusga nito ay mga senator-judges.
Sa ginanap na pandinig, simple lang ang appearance ni Kim. Ni walang kolerete o tila make-up. Simpleng damit. At looking bagets pa nga for a top government official. Subalit okay lang. Kuwela siya. Sinsero. Parang hanging amihan sa mainit na balitak-takan sa hearing.
Ngayon, nag-iba na talaga pagtingin ko kay Kim. Asset. 24-karat asset. ‘Yun lang, iwasan niyang bumungisngis sa gitna ng kanyang pagsasalita. Nakakabuwisit tingnan.
Take a bow, Commissioner Kim.
SAMUT-SAMOT
MY COLLEGE classmate and kumpadre, Satur Ocampo, wrote a very engrossing item on grandparenting in his recent Philippine Star column. Agreed. Totally agreed ako sa kanya. Happiness ang mga apo at happiness na wala kang maipangalan. Si Pareng Satur during martial law went underground. When he was captured, he was imprisoned for 12 years, kalahati nito ay solitary confinement. Hindi mabibigkas how he was physically and mentally tortured. Pagkatapos, sumabak na siya sa pulitika para ipagpatuloy ang kanyang paninindigan para sa mahihirap. Ngayon lang siya nag-e-enjoy ng full-time family life. Sapin-sapin ang pakikipagkaibigan namin ni Pareng Satur. Siya ang aking mentor sa pagsusulat during our college days in Lyceum. By that time, he was already an accomplished writer. Nagtrabaho siya sa Manila Times as business reporter and editor. Very profound and versatile writer. Dasal ko ang kanyang kalusugan at dagdag pang taon sa kanyang makahulugang buhay. By the way, contemporaries namin ay sina Willy Baun, People’s Journal columnist, Dr. Doming Landicho, Palanca multi-awardee, Butch Ayllon, noted PR media practitioner, Butch del Castillo, BusinessMirror columnist, Perry Palma, noted archeologist, at iba pa. Panahon namin sa Lyceum ang tinaguriang “golden era of journalism” sa institusyon. Kaagapay ng pagpapanday ng aming isip sa propesyon ay ang nasirang great writer, journalist, and patriot, Dean Jose Lansang. Satur was our soul leader, brother, friend, and father-confessor. I miss those grand old days when we were young, daring, and untrammeled. Mabuhay ka, Pareng Satur!
SAYANG AT hanggang ngayon ay ‘di pa matuloy ang pagre-renovate ng Metropolitan Theater sa Plaza Lawton, Manila. Very culturally historical ang theater. Nu’ng panahon ni Presidente Erap, isa ako sa mga naatasang tumulong sa rehabilitation planning project. Subalit naunsyami dahil sa kanyang impeachment. May sentimental value sa akin ang theater. Sa tapat nito kami nagkikita nina Satur at iba pa pagkatapos ng eskuwela sa gabi sa Lyceum.
Tig-dalawang beer sa Trocadero Bar. Pagkatapos, lakad na sa Quezon Bridge patungo sa Peacetime Restaurant sa Quiapo. Dito kami minamagdamag sa inuman, debate sa suliranin ng bansa at kahit ng mundo. Dekada ‘80. Talagang ginto sa aming alaala.
BAGO KO makalimutan, may dalawa pa kaming contemporaries nu’ng dekadang ‘yun. Si Tony Villar. Dating JUSMAG officer at talagang totoong nilalang at tapat na kaibigan. Ewan kung nasa’n na siya ngayon. Ganu’n din si Isabelo Sales. Taga-Bohol. Nasan na kaya siya ngayon? Marami na ring pumanaw. Katulad ni dating People’s Journal editor Tony Mortel at lawyer Ely Diaz, at journalist Reyland Magallanes.
‘DI NA ilan ang nagwa-warning na ang Quiapo Underpass – kauna-unahang underpass sa bansa – ay an accident waiting to happen. Constructed almost 50 years ago, hanggang ngayon ang underpass has not underwent any major inspection or repair. Ill-maintained at nangangamoy sa baho. Ang underpass ay kuta ng sidewalk vendors, pulubi at mandurukot. Ang mga comfort rooms ay umaalingasaw sa amoy ng dumi at ihi. Mayor Alfredo Lim, magtrabaho ka naman.
Maaaring pagod na pagod na si Mayor Lim. Kaya di niya maasikaso ang governance. Masdan natin ang Maynila. Ubod ng baho at dumi. Bedlam sa traffic. Ay naku, nakakataas ng blood pressure!
PITIK-BULAG
By Ike C. Gutierrez