TUBIG AT LANGIS is back! Yes, nagbabalik ang ‘kabitserye’ na punong-puno ng sampalan at dyombagan na pinagbidahan nina Cristine Reyes, Zanjoe Marudo at Isabelle Daza na ipinalabas sa afternoon slot ng ABS-CBN mula February to September 2016.
Hango sa 1980 classic movie ni FM Reyes na pinagbidahan nina Vilma Santos, Amy Austria at Dindo Fernando, namayagpag at trending araw-araw ang programa na mas pinainit hindi lang ng sexy scenes ni Zanjoe kina Cristine at Isabelle kundi maging sa mga sampal at catfight scenes na gustong-gusto ng mga manonood. Ang dapat ay one season ay na-extend up to three seasons dahil naging effective ang portrayal ng mga bida.
Ito bale ang naging comeback TV project ni Cristine Reyes pagkatapos manganak sa kanyang Baby Girl na si Amarah. Ikalawang pagkakataon na nilang magtambal ni Zanjoe Marudo at kitang-kita ang kanilang chemistry bilang matured actors. Ito rin ang nagsilbing first major project ni Isabelle Daza nang lumipat ito sa Kapamilya network. Marami ang nagtaka kung bakit siya ang napili bilang final ‘kabit’ sa serye (isang baguhang aktres ang dapat na kontrabida sa programa pero na-demote ito a supporting role na nakalimutan na rin namin ang pangalan). In the end, napatunayan ni Isabelle Daza na kahit ang image niya ay pa-glamorous at inglisera, hindi rin siya magpapahuli kung pakikipagwarlahan ang pag-uusapan, huh!
Trending tuwing hapon ang bangayan, sampalan at dyombagan nina Cristine at Isabelle bilang sina Irene at Clara. Nagustuhan ng audience ang programa dahil palaban ang legal na asawa at nagmumukha talagang desperada ang kabit.
Tulad ng karamihan ng lalaki na nasasangkot sa ganitong gusot, very batugan ang dating ni Zanjoe bilang Natoy sa programa kaya nakakarelate ang mga misis na napipikon na sa kanilang very weak husband. Iyak pa more!
Isa sa pinaka-memorable characters sa programa ay si Lucy na ginampanan ni Dionne Monsanto. Maiinis ka talaga sa pamamaraan niya ng pamba-blackmail kina Irene at Clara. Minsan ay badtrip ka sa kanya pero natutuwa ka dahil napaka-effective ng ginagawa niyang pang-iinis. May satisfaction, kumbaga tuwing nakakatikim siya ng sampal o pananapak mula kay Irene.
Sa programa rin na ito nag-resign si Vivian Velez dahil sa isang misunderstanding with one of the lead stars.
Sa tingin namin, kung hindi pa naka-schedule ang wedding ni Isabelle Daza sa kanyang mister na si Adrien Semblat ay na-extend pa siguro ang programa. At least in real-life ay legal na misis siya, huh!
Sa pagbabalik ng Tubig at Langis ay sa Primetime Bida na ito inilagay. Surely, marami na naman ang makakarelate at baka dumami rin ang mga naka-ECQ na mag-asawa na magpaparinigan. Charot!
Mapapanood ang ‘Tubig at Langis’ pagkatapos ng Wildflower.