“IT’S A baby girl!” ‘Yan ang masayang mensahe na natanggap namin mula kay Mickey Ablan kahapon ng umaga.
Kinumpirma namin kay Mickey kung ano ang kasarian ng magiging anak nila ni Janna Dominguez na nakatakdang magsilang sa Abril. At babae nga raw ang magiging anak nila at papangalanan nga raw nilang Micael.
Congrats kina Mickey at Janna na halatang sobrang in-love sa isa’t isa.
MALAPIT NA ngang mabago ang noontime habit ng mga Pinoy sa pagpasok sa early lunchtime slot ng Game N’ Go ng TV5 simula ngayong Sabado, March 17, 2012. Ang Game N’ Go ay isang game show at hindi variety show na maghahatid ng iba’t ibang klaseng palaro sa tanghali.
Sa Paparazzi Showbiz Exposed, nagbigay ng patikim sa mga manonood ang main host ng show na si Edu Manzano kung ano nga ba talaga ang maaasahan ng mga Pilipino sa naturang game show.
Bungad ng pinakabagong Kapatid star, “Puwede mong sabihin na binago ‘yung konsepto ng game show. Kasi ito, pang-primetime kasi. This is the first time na kinuha ang ilang game shows, pinagdikit-dikit at ipalalabas nang tanghali na hindi pa nagagawa before.”
May kanya-kanyang game segments sina Edu at mga co-host na sina Gelli De Belen, Arnell Ignacio, Tuesday Vargas, Pretty Trizha, at Councilor Shalani Soledad-Romulo.
Hindi na bago para kay Edu ang noontime show hosting. Nag-take over siya noon sa Game Ka Na Ba? ni Kris Aquino sa ABS-CBN at napanatili niya ang mataas na ratings nito. Matapos nito, nagbalik-Kapuso naman si Edu via early noontime game show Asar Talo Lahat Panalo.
Ngayon, natsa-challenge daw si Edu kasi panibagong hamon sa kanyang karera ang ipinagkatiwala sa kanya ng Kapatid Network. More than the challenge naman daw ay excited si Edu sa pagsisimula ng Game N’ Go.
Dagdag pa niyang kuwento sa Paparazzi, “Puwede mong sabihin na exciting dahil natsa-challenge ka ulit pero at the same time, nandoon, mataas yung expectations mo sa sarili mo, nandoon ‘yung expectations mo sa programa, dahil gusto mo talagang pumalo sa audience.
“And we’re hoping na sa pamamagitan ng paglabas ng primetime game shows sa lunchtime ay makapag-draw-out din tayo ng panibagong audience, so ‘yun ang maganda, ‘yung mayroon kang nakukuhang ibang audience na dati-rati ay hindi talaga nagbubukas ng telebisyon ‘pag tanghali.”
Malaki rin ang pasasalamat ni Edu sa sobrang suporta ng TV5 management sa kanya at sa kanyang mga kasamahan. Saad niya, “Nakita ko talaga ‘yung commitment ng Channel 5 na magbigay ng sabihin nating ‘top of the line entertainment’ sa lahat ng kanilang manonood.”
Sa ngayon, halos pulidong-pulido na ang pagka-renovate ng Delta Theater kung saan ito ang magsisilbing tahanan ng show simula March 17.
Looking forward naman si Edu na lalo pang tumibay ang samahan nila ng kanyang mga co-hosts dahil ang ilan sa kanila ay nakasama na rin niya dati. Aniya, “Minsan kahit kumuha ka ng dalawang magaling na artista ‘pag pinagsama mo, hindi ganoon kaganda rin ‘yung kanilang relationship. But in this case kilala ko ‘yung mga makakatrabaho ko, with the exemption of Mrs. Shalani Soledad-Romulo. I look forward in working with Shalani Romulo.”
Sure na ‘to
By Arniel Serato