Kadiring babuyan!

NARITO ANG ilan lamang sa mga sumbong na ipinadala sa pamamagitan ng aming text hotlines na 0908-87-TULFO at 0917-7-WANTED.

Irereklamo ko lang po ang isang babuyan dito sa Poblacion, Pandi, Bulacan dahil hindi maayos ang kanilang sanitation. Ang mga dumi at ang patay na biik ay sa sapa o sa may creek itinatapon. Sana po ay matulungan ninyo kami.

Isa lang po akong concerned citizen dito sa Bacoor, Cavite dahil ang daming bata pati matatanda na adik na nang-aagaw ng cellphone. Kapag lumaban ang inaagawan ay pinapatay. Mula umaga po hanggang gabi ay may nangyayaring pang-aagaw ng phone. Sana po ay magkaroon ng police visibility rito.

Reklamo lang po namin ang matagal nang sobrang kapal na alikabok dito sa Brgy. Napindan, Taguig. Matagal na po namin itong inirereklamo sa barangay, pero wala pong aksyon na ginagawa.

Sumbong ko lang po sa inyo ang ilang mga pulis ng Parañaque dahil po sa ginawa nilang puwersahang pagpasok sa isang bahay na walang tao at naka-padlock pa man din. Nasira ang mga gamit ng bahay at pinagkakalkal ang mga gamit. Sana po ay matulungan ninyo.

Irereklamo ko lang po iyong may-ari ng junkshop dito sa Onyx corner Zobel, San Andres Bukid, Manila sapagkat wala nang madaanan ang mga sasakyan dahil nakaharang iyong mga truck nila at kalakal sa daanan. Nahihirapan pong dumaan ang mga sasakyan pati ang mga tao. Kung minsan ay isinasara pa nila ang kalye lalo na kapag maraming kalakal ang binabagsak. Wala naman pong ginagawang aksyon ang barangay rito.

Isusumbong ko lang po iyong kalye rito sa Fatima 3, San Jose Del Monte, Bulacan dahil hindi na po madaanan ng mga sasakyan. Ginawa po kasing basketball court. Dito lang po ito sa tabi ng barangay hall.

Concerned citizen lang po, iyong kalye ng Solis Street sa Gagalangin, Tondo malapit sa Abad Santos ay puro naka-double parking ang mga sasakyan. Pilahan pa ng tricycle kaya sobrang traffic lagi. Sana po ay maaksyunan.

Ipararating ko lang po sana sa inyo ang reklamo ko sa inyo tungkol sa Brgy. 179, Amparo, Caloocan City dahil kulang na kulang po kasi ang mga street light sa mga kalsada. Madalas pa naman pong may nangyayaring nakawan at barilan sa lugar na ito. Sana po ay maaksyunan.

 

Makinig at manood ng Wanted Sa Radyo 92.3 FM Radyo5 at Aksyon TV Channel 41, Luneshanggang Biyernes, 2:00-4:00 pm. Ito ay naka-simulcast din sa 101.9 FM sa Cebu at Davao. Sa Cagayan de Oro ito ay kasabay na napakikinggan din sa 101.5 FM at sa 97.5 FM naman sa General Santos City. Samantalang sa Bacolod City naman ay sa 102.3 FM.

Ang inyong lingkod ay mapanonood din sa Aksyon Sa Tanghali sa TV5, Lunes hanggang Biyernes, 11:30 am-12:00 nn.

Mapanonood din ang inyong lingkod sa T3: Alliance sa TV5 tuwing Linggo, 1:30 pm.

Para sa inyong mga sumbong, mag-text sa 0908-878-8536 at 0917-792-6833.

Shooting Range
Raffy Tulfo

Previous articleMaine Mendoza, nahipuan sa pinuntahang barangay;
Alden Richards, galit na galit dahil walang nagawa para sa ka-love team
Next articleButch Francisco, na-miss ang backstage tsikahan sa showbiz talk show

No posts to display