Kagaguhan ni Col. Tanagan at PR Man ni Recom Echiverri

PORMAL NANG kinasuhan ng Robbery ng negosyanteng si Dexter Montero ang pitong pulis ng Rizal Public Safety Management Command (RPSMC) sa pangunguna ng hepe nilang si P/Supt. Cesar Tanagan

Ayon sa biktima, habang pasakay siya sa kanyang jeep para mamili ng isda ay nagkataon namang hinuhuli ng grupo ni Col. Tanagan ang nagaganap na “tupada” (sabong) malapit sa lugar.

Sa hindi maipaliwanag na dahilan, pati si Montero na walang kaalam-alam sa nagaganap ay kanilang hinuli at kinuha lang ang pera nitong P30,560.00 pero hindi naman siya kinasuhan.

Maging ang 11 pa na hinuli ng grupo ni Col. Tanagan ay hindi rin lahat kinasuhan matapos magsipagbayad ang mga ito ng tig-P2,000.00 bawat isa.

Maliwanag, parekoy, na “hulidap” ang ginawa ng mga pulis-Rizal sa pangunguna nga ni Col. Tanagan.

Op kors, mangangatwiran itong sina Tanagan na hindi totoo ang ibinibintang sa kanila nitong biktima. Sasabihin din nila siyempre na legitimate police operation ang naganap!

Ang tanong, lehitimo rin ba ang pagkuha sa pera ng mga biktima? Kanino napunta ang mga ito?

Kung lehitimo ang nasabing operasyon, na ang mga nasakote ay talagang huli sa akto habang nagsasabong, eh, bakit hindi kinasuhan ang mga ito? Para saan ang P2,000.00 na ibinayad ng mga ito kaya sila ay pinakawalan?

Kung sasabihin nina Col. Tanagan na nagsisinu-ngaling lang ang complainant, sa palagay kaya ninyo, may sapat na lakas ng loob ang isang sibilyan na ireklamo ang mga pulis lalo na ang kernel na gaya ni Tanagan kung wala itong katotohanan?

At para higit na maunawaan ng Napolcom ang problemang ito at malaman kung sino kina Col. Tanagan at sa complainant ang nagsisinungaling, dapat busisiin ng mga imbestigador ang tunay na pagkatao ng kernel na ito.

Bago nalipat sa Rizal, si Col. Tanagan ay dating Chief of Police ng Marilao, Bulacan.

Kung totoo ang impormasyon, nang-raid ang grupo noon ni Col. Tanagan sa isang videoke at ang isang dalagang costumer na naroon para mag-happy-happy ay hinuli rin.

Ang masakit, parekoy, pagdating sa presinto, inilabas ni Col. Tanagan ang kanyang “ari” at pilit na ipinasubo sa kawawang babae. Naobliga ang pobreng dilag na sundin ang iniutos ni Col. Tanagan dahil nakatutok umano sa kanya ang baril ng nasabing opisyal.

Ibig sabihin, habang natutok ang kanyang batuta na ipinasusubo ng hinayupak na ito ay nakatutok din umano ang kanyang baril.

Kaya nga “double barrel” ang taguri rito kay Col. Tanagan ng mga taga-Marilao. Hak, hak, hak! Ang baboy mo namang hayop ka! P’we!!!

Kaya pala nawala na parang bula sa Bulacan PNP itong si Col. Tanagan dahil doon pala nagpa-assign sa Rizal. At doon naman nagkalat ng kabulastugan!!!

Hayop ka Col. Tanagan, magbago ka na, sayang naman ang pera naming tax payers na ipinasasahod lang sa mga opisyal na gaya mo!!!

At kung hindi ka man naririmarim sa mga pinaggagawa mo, o kaya hindi ka pinandidirihan ng iyong pamilya… sana naman iligtas mo ang kredibilidad ng Pambansang Pulisya! Huwag mo itong dapurakan ng putik na hayop ka!!!

MARAMI NANG sumbong sa atin mula mismo sa mga empleyado sa city hall ng Caloocan tungkol dito sa PR man ni Mayor Recom Echiverri na si Alvin.

Kasalukuyan umanong nagtatrabaho ang mamang ito bilang Assistant Secretary sa Malakanyang.

Pero sa halip na asikasuhin ang kanyang trabaho ay mas inaatupag nito ang pagmamaniobra sa PR ng mag-amang Recom at RJ Echiverri!

Ang masakit, kumikita na nga siya sa kanyang PR raket, putok din umano ang balita na kinakaltasan din nito ang budget na inilalaan ni Echiverri ang para sa mga taga-media. Tsk, tsk, tsk!

May pagka-switik nga ang taong ito kung sakaling totoo ang ipinararatang sa kanya!

Magbago ka na Asec!!! Isang araw tiyak na kakarmahin ka… baka mamatay ka pa sa sakit sa puso!!!

PAKINGGAN ANG aking programang ALARMA Kinse Trenta sa radio station DZME, 1530kHz, AM band (dulong-kanan ng talapihitan) tuwing alas 6-7 ng umaga, Lunes hanggang Biyernes. Mapapanood rin ito via live streaming sa www.dzme1530.com. Anumang reaction ay ipaabot lamang sa [email protected] o CP No. 09321688734.

Target
ni June Briones
[email protected]
09152121303

Previous articlePara lang maging masaya sa itsura ng katawan Gwendoline Ruais, ‘di raw kailangang mag-pose sa men’s mag!
Next articlePinoy Parazzi Vol 5 Issue 28 February 15 – 16, 2012 Out Now

No posts to display