SA ISANG siyudad dito sa Metro Manila, isang playground sa isang barangay ang paboritong tambayan ng mga menor de edad na estudyante na naghihintay ng “booking” o mailabas sila. Paglabas nila sa klase ay tambay na sila roon mula alas-tres ng hapon hanggang ma-pick-up sila. Sa halagang P200 ay pumapayag sila sa all-the-way. ‘Yung iba nga, pang-load lang okey na. Dinadagsa ang lugar ng mga ganitong babae — edad 14 hanggang 20 – lalo na kapag panahon ng matrikulahan.
Ayon sa statistics, ang bilang ng mga kababayan nating pasok sa sex trade ay halos 850,000 — katumbas ng mga manggagawa sa manufacturing sector. Sabi nga ng isang international na NGO, ang sex industry ay pang-apat sa pinakamalaki ang kontribusyon sa Gross National Product.
Dahil dito, ang mga kababaihan ngayon ang pinakamalaking sektor na nabibiktima para sa human trafficking. Sa kagustuhang kumita nang malaki-laki, sila ang madaling kumagat sa mga pangako ng mga recruiter para sa trabaho sa abroad. ‘Yun pala, babagsak sila sa prostitution o sex trade sa ibang bansa.
Kaya nga, halos walang saysay ang mga paghihigpit sa mga airport at sa mga recruitment agency kung hindi malulutas ang pinakaugat ng problema ng human trafficking — ang kahirapan o pagdarahop dito sa Pilipinas. Hangga’t walang katiyakan ang buhay rito, susugal ang ating mga kababayan sa ibang bansa — sukdulang isugal ang kanilang puri.
LIBRENG PAYO! I-TEXT N’YO AT SASAGUTIN KO! PM <space> saklolaw <space> ang inyong katanungan at i-send sa 2948 (for Globe, Smart and Sun users). E-mail: [email protected].
Ayuda sa OFW
By Ome Candazo