ILANG BUWAN na rin ang nagdaan simula nang ikasal ang Kapuso actress na si Jade Lopez sa kanyang longtime non-showbiz boyfriend na si Rocky Siccion. Kahit matagal na silang magkarelasyon ay super in love pa rin ang dalawa at kamakailan lang ay binalikan nila ang bansang Japan, na tila favorite destination ng mag-asawa.
Bakit nga ba special place ang Japan para sa inyo?
“Parang second home ko na ang Japan kaya relaxing and enjoyable experience everytime. ‘Di rin mauubusan ng new things to explore doon. Love the people, culture, weather and FOOD. Plus pa na one of our friends gave birth habang nandun kami.” pagkukwento ni Mrs. Siccion.
Kahit madalas magtravel ng bagong kasal at patuloy sa pag-adjust sa bagong phase ng buhay nila as a married couple, hindi pa rin binibitawan ni Jade ang pagsho-showbiz. Sa katunayan, kasama siya sa upcoming afternoon series ng GMA-7 na ‘Bihag‘ na pinagbibidahan nina Max Collins, Jason Abalos at Sophie Albert, where she plays the role of Liza.
“Liza is a doctor (nephrologist). Only bestfriend sya ni Jessie, ang character ni Max Collins until dumating ang character ni Sophie na naging kaibigan din ni Jessie. Let’s see what will happen next. Basta exciting ang twists nito!” pagsi-share nito.
When asked kung kamusta ang working experience niya so far sa serye lalo na kina Max Collins at Sophie Albert, “They’re both easy to work with. Max is so easy to talk to! We always talk about marriage and love life. Ang saya nila pareho kasama sa set.”
Ipapalabas na ang Bihag sa GMA Afternoon Prime this coming April. Ito ang papalit sa napakasikat na seryeng ‘My Special Tatay’.
Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club