WALANG PAGDADALAWANG-ISIP na tinanggap agad ni McCoy de Leon ang offer na magbida siya sa pelikulang Instalado ng 2nd ToFarm Film Festival.
Aniya, “Nu’ng binigay po yung script, may pakiramdam na ‘gusto ko na ‘to,’ yung ganu’n. Tapos nung nabasa ko, lalo po akong na-excite kasi nga scifi, kakaiba, tapos indie at iba naman ito,” kuwento ng binata sa amin.
Satisfied ba naman siya sa acting na ipinakita niya sa first movie?
“Binigay ko naman po talaga yung makakaya ko saka yung karakter na gusto ni Direk Jason pinakita ko naman,” sagot niya.
Patuloy pa ni McCoy, “Si Direk Jason kasi, siya yung tahimik pero pag nakita mo yung proyekto niya parang, ‘ba’t ganu’n, ang galing, parang iba ito?’
“Yung trailer nga namin, nagulat ako kasi ibang-iba siya don sa tine-take pa lang namin. Nakaka-inspire lang din talaga po na magtrabaho pa.”
Eh, ano’ng pakiramdam na marami sa mga nakapanood ng rushes ng Instalado ay puring-puri ang kanyang pagganap kahit baguhan lang sa pag-arte. Pang-best actor nga raw siya sa pelikula.
“Sa akin po kung papalarin lang. Siguro, sobrang suwerte ko na talaga pag nangyari yon. Pero thankful na po ako na nabigyan ako ng ganitong opportunity,” tila nahihiya niyang pahayag.
La Boka
by Leo Bukas