SABI ni Jeff Ortega, boyfriend ni Jasmine Curtis-Smith na naniniwala siya sa “sukob”, yong Pinoy superstitious belief na hindi maganda or tama na ang dalawang magkapatid ay parehong ikakasal sa loob ng isang taon. Hindi daw ito maganda. May malas na dala,
In short, sa kaso ni Jasmine at ng Ate Anne niya, if ever na ikakasal man siya ay not within 1 year.
Ang boyfie niya na si Jeff, kung titingnan mo ay tisoy na tisoy ay Pinoy na Pinoy pala.
Born and breed in the Philippines kung saan tubong La Union ang pamilya ng binata.
“Ayaw pa niya magpakasal,” sabi ni Jeff sa amin na ang tinutukoy ay ang girlfriend niya of almost two years na.
Maging ang binata ay wala pa rin plano in the near future. “We’re both enjoying the things that we do,” pagbibida niya sa amin.
Sa katunayan ay isinagawa ang presscon ng pelikulang “Siargao” sa specialty store na pag-aari ni Jeff sa may bandang Kapitolyo, Pasig kung saan they sell a clothing brand na gamit kadalasan ng mga surfers like T-shirts, shorts at mga bags. May space sa second floor for events and function rooms na pwede gamitin at i-rent.
Seller din ng mga mamahaling mga surfboards sina Jeff na ang pinaka-mura is worth Php 26K lang naman na naloka kami sa expensive sport na ito.
Kuwento nga ni Jasmine, her boyfriend is convincing her to be part of the business. “But I’m still studying the proposal. If it’s a good business, why not,” sabi ng dalaga.
In the film, Jasmine plays a Siargao native na with Direk Paul Soriano, her producer in the film Transit, maganda ang statement nito tungkol sa dalaga. “I’ve always thought this girl has it. She takes her craft seriously and I’ve always wanted to work with her as a director,” na ngayon ay nagkaroon ng sakatuparan with Direk Paul’s official entry to the MMFF 2017 na produced ng kanyang Ten 17 Productions.
Reyted K
By RK Villacorta