DAHIL sa Halloween at Undas, karamihan sa mga pelikulang ipinalabas sa mga sinehan simula noong October 30 ay mga horror or thriller films. Inilabas ang HellCome Home nina Dennis Trillo at Beauty Gonzales at Santigwar nina Alexa Ilacad at Marco Gallo etc.
Kahit dalawang promising katatakutan Pinoy films ang pinalabas, tila hindi nakalimutan ng fans ang ‘Unforgettable’ ni Sarah Geronimo dahil as of writing ay going strong pa rin ito sa mga sinehan. Kung na-pull out man ito for a while to give way sa ibang pelikula, marami naman ang nagrequest na kung pwede ito ibalik lalo na sa mga probinsya. Ito rin ang tamang panahon para sa ilang manonood na mag-catch up sa mga pelikulang namiss nila.
Isang simple, heartwarming film ang ‘Unforgettable’. Sarah Geronimo plays the role of Jasmine, isang dalagang may high-functioning autism na mahal na mahal ang kanyang Lola (Gina Pareno). Dahil sa isang health-related issue ay mapipilitan ang maglola na maghiwalay sandal at manirahan muna sa kanyang mga nakatatandang kapatid (Ara Mina and Meg Imperial). Dahil sa isang aso na ipinangalang Happy, nagkaroon ng pag-asa si Jasmine na gumaling ang kanyang lola sa kanyang sakit. Dito makikilala ni Jasmine ang ilang tao na makakatulong sa kanyang misyon.
Maganda ang atake ni Sarah sa kanyang papel bilang si Jasmine. Very realistic at hindi OA. Ito ang dahilan kung bakit highly recommended ang pelikula ng Autism Society of the Philippines.
Sa mundo na puro romance-comedy-, sex at violence, maganda rin na from time to time ay may mapanood tayong heartwarming family story that will make us believe in goodness. Swak din ang movie for the whole family dahil pwedeng-pwede ito sa mga bata.
Showing pa rin ang Unforgettable in cinemas nationwide.