KAY BILIS talaga ng panahon. Bukod sa malapit na ang Pasko, aba, 10 years na pala sa showbiz si Sarah Geronimo, simula nu’ng nanalo s’ya sa Star For A Night nu’ng 2003 when was only 15 years old.
Kaya sa darating na November 15, isang malaking concert muli ang handog ng Pop Princess para sa ating lahat on her 10th anniversary in showbusiness sa Araneta Coliseum entitled Perfect 10.
Nu’ng maka-tsika namin ang nali-link kay Sarah na si Matteo Guidicelli last weekend, hindi pa n’ya masabi kung makanonood s’ya ng concert nito, dahil daw sobrang hand to mouth sila sa taping ng teleserye nila ni Andi Eigenmann na Galema, na ang ibig sabihin ay kung ano ang tine-taping nila simula umaga ay ‘yun ang ipalalabas agad.
Pero malamang, gagawa ng paraan ang binata para makarating ito sa konsyerto ng dalaga, kahit wala siguro itong special participation sa show.
Abangan na lang natin.
Pero bago ang pinakaaabangang concert ni Sarah, na may repeat pala agad ang concert ni Sarah on November 30 sa MOA Arena, pumirma muna ulit ito ng kontrata bilang main endorser pa rin ng Xtreme Magic Sing.
Ano nga kaya ang extreme challenge na hinarap ng Pop Princess bilang singer? “Dapat you have to find your own identity, at oo, ok lang na maimpluwensiyahan ka ng mga foreign artist, like Beyonce, pero ‘di dapat mawala ang sarili mong boses, sarili mong style.
“Finding your own voice, your own style, and always, sing from the heart, may times na may kulang, pero ‘yun ‘yung importante with singing.”
How about the extreme challenge sa buhay ng dalaga? “Siguro ‘yung sa The Voice. Kasi nga, lalo nu’ng umpisa, ang daming bashers. Pero binigay po sa akin ang trabaho na ito, tinanggap ko, kaya dapat gawin ko. And as I went along (in the competition), parang okey naman, at natuwa ako sa team ko, dahil talagang they listen to me. Kung ano ‘yung sinasabi ko, right away ina-apply nila. ‘Yun nga lang, s’yempre nalungkot ako for Klarisse, pero ok naman manalo si Mitoy. Deserving din naman siya.”
Sarah confirmed na coach ulit siya sa The Voice of The Philippines season 2 sa March next year.
SPEAKING OF Galema, may nakarating sa amin na tsika na nakailang take daw sa isang eksena ang baguhan na si Derick Hubalde na gumaganap bilang si Zuma. Hindi raw makuha ni Derick ang gustong akting at emosyon ng direktor ng teleserye na si Direk Wenn Deramas.
Dahil d’yan, ayaw raw idirek ng box-office director si Derick sa partikular na eksena, kaya ipina-direk daw n’ya ito sa kanyang assistant director. Pero kahit daw ang assistant director ay halos sumuko sa baguhang aktor.
At kahit matangkad at malaki ang katawan ni Derick ay napaiyak daw ito nang mag-dialogue daw nang hindi maganda ang assistant director.
True ba ang pangyayaring ito, Direk Wenn?
NAGPE-PREPARE PA lang daw ang mga restaurant crew nina Richard Yap o Ser Chief sa Wangfu Chinese Bistro sa kanto ng Tomas Morato Avenue at Don A. Roces Avenue sa Quezon City bago ito tuluyang magbukas at 10am, sunud-sunod daw agad ang tumatawag sa telepono nila para magpa-book ng reservation.
May mga tagahanga pa raw si Richard na based sa New York, USA ang kumain doon nitong Wednesday lang bago bumalik ng Amerika at nag-picture-picture pa at in-upload sa Instagram.
Maging si Julia Montes daw ay kumain sa resto ni Ser Chief nitong nagdaang araw lang kasama ang kanyang mga kaibigan.
Madalas ding kumain sa resto ang Phenomenal Box-Office Star na si Vice Ganda, gaya last Wednesday night lang after ng kanyang taping ng Gandang Gabi Vice, kung saan kasama n’ya ang kanyang team and friends na sina Paul Cabral, Bernard Cloma, Dominic Roque at kuya nitong g’wapo rin.
Franz 2 U
by Francis Simeon