PERSONALITY NI Cristine Reyes ang mga clothes ng Mags, from casual to formal kaya hindi siya nagdalawang-isip na maging signature model ng nasabing brand. Personal naming nakatsikahan ang sexy star sa pictorial session ng Mags. Kapansin-pansin ang tattoo sa magkabilang arms na krus at rosary. “Itong rosary tattoo, nakuha ko siya 2010. Kapag nagpa-tattoo ka, ‘yun ang something na parang hindi mo kailangang i-regret. Sino bang tao ang magri-regret kung ang pina-tattoo sa sarili mo’y rosary? Mayroon akong things na mga cross like jewelries. Fascinated ako sa mga cross so, ‘yun. Itong isa 2009, pinakuha ko internet. Gusto ko somewhere na nakikita ko siya palagi. Ayaw kong magpa-tatto na tinatago ko naman. So, ayan, nakikita ko siya palagi. Kapag taping, kailangan nga lang takpan pero okay lang,” paliwanag ng sexy actress.
Are you very religious or spiritual person? “I’m not the type of person na nagpi-pray every hour. Pero I make it sure at the end of the day, nagpi-pray ako. Every morning nagpi-pray ako.”
What do you pray for? “Siyempre po, lahat ng tao, lahat tayo’y kailangan mag-pray. Magpasalamat, magpatawad, alagaan ang family ko, ako. Ngayon nagso-solo na ako, malayo na ako sa family ko so, pinagpi-pray ko sila palagi.”
Anong ibig pakahulugan ni Cristine sa sinabi niyang magpatawad? May mga tao bang nagkasala sa kanya at kailangan niyang patawarin? “Siyempre, tayo sa buhay natin mayroon tayong na-hurt. Minsan naman may naka-sakit sa atin na kailangan mong patawarin or ihingi mo ng tawad kay God so, basically doon mo ipagpi-pray ‘yung mga ganoong bagay. Hindi mo na kailangang sabihin pa kung sino ‘yung tao, ang sinasabi ko ‘yung sa araw-araw. ‘Yung mga simpleng bagay, wala namang major na nagkasala sa akin.”
Malaki na ang ipinagbago ni Cristine, naging positive na ang outlook niya sa buhay. Tuluy-tuloy ang blessing na dumarating sa kanya. Nagkaroon na siya ng peace of mind at may isang Rayver Cruz na tunay na nagmamahal sa kanya. What more can you ask for? May kulang pa rin kaya? “Siguro ‘yung bahay ko, ‘yun ang nakaka-stress as in. Super talagang na-stress ako sa bahay ko, ngayon okay na ako. Kasi, gusto ko nang mag-move-out, ang tagal-tagal. Wala lang, parang gusto kong ma-feel na parang independent. Two years ako, independent ako pero neighbor ko ‘yung mommy ko. Kasi, binili ko ‘yung unit niya. Gusto ko talagang mag-solo so, ‘yun. Not really para maging malaya sa family. Gusto ko ‘yung atmosphere sa south, malayo sa showbiz world. Hindi ko sinasabing ayaw ko ng showbiz world. Gusto ko kapag nasa bahay ako, tahimik. Alam mo ‘yung, pahinga lang, privacy. Nandu’n na ang lahat, all kinds of restaurant, movies, salon, lahat nandu’n na. So, parang hindi ko na kailangan pang pumunta ng Quezon City,” kuwento niya.
May kinalaman ba si Rayver sa paglipat mo sa south? “No, before pa, I have friends from the south na. Before ko pa makilala si Rayver kami ng mga kaibigan ko laging nagro-road trip sa south, Tagaytay. Kapag gusto kong mag-anwine punta ako sa south.”
May plano ka bang ipa-tattoo ang pangalan ni Rayver in any part of your body? “No way! Parang curse ‘yung pinapa-tattoo mo ‘yung pangalan ng someone, naghihiwalay. At saka, ayaw ko, bakit ? Siya na lang, ipa-tattoo niya
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield