KAHIT NA sobrang maingat ang sexy actress/vlogger na si Ivana Alawi ay hindi siya nakaligtas at ang kanyang pamilya sa kamandag ng Covid-19.
Sa kanyang recent video upload entitled ‘Our Covid Journey’ ay inamin ng aktres na katulad ng karamihan sa mga Pinoy ngayon ay malungkot na tinamaan din ng Covid-19 ang kanyang pamilya. Alam ng mga followers ng sexy star na maraming tinanggihan na showbiz work ang dalaga dahil gusto niyang protektahan ang kalusugan ng nakababatang kapatid na si Mona (dating child actress).
Panimula niya sa vlog, “Siguro masasabi niyo na sa title at sa itsura ko, I’m not in a good position. Wala ako sa lugar na kaya kong magpasaya ngayon kasi ang bigat-bigat ng pinagdadaanan ko ngayon sa buhay,”
Ayon sa dalaga, strikto sila sa pag-observe ng health protocols the past two years. Tatlong beses pa nga ito kumukuha ng RT-PCR test tuwing siya ay may shoot at laging negative ang resulta.
“Talagang tinry ko iwasan, pero di ko maiwasan.. Pero wala naman dapat i-blame.”
Ikuwinento ni Ivana na ang ina na si Fatima Marbella ang unang nagpositibo sa pamilya.
“Simula no’ng time na feeling niya may lagnat na siya, ubo, masakit ang ulo. Nag-isolate na siya at lagi siyang naka-mask, kahit nasaan siya…sa loob ng bahay.”
Sinubukan pa raw i-console ni Ivana ang ina sa pagsabi na baga influenza lamang ang kanyang nararamdaman.
“Si mama, sobrang ingat no’n. Naka-tatlong (RT-PCR) siya bago niya nalaman. Iyong first two, negative,” sambit niya.
Nang magpositibo ang ina ay agad na nag-isolate ito, at lahat na ng nasa bahay ay nagpatest.
“Parang kay mama iyong pinakamalala kasi hirap na hirap siyang huminga,” mangiyak-ngiyak na kuwento ng dalaga. Agad na tinanong muna ng ina kung may nagpositibo ba sa mga anak.
“Parang mas inisip niya pa kami kaysa sa sarili niya na positive,”
Kahit ang older brother ni Ivana ay nagpositibo, but thankfully, negative ang resulta ng rest kay Mona.
Papkiusap pa ni Ivana sa Maykapal, “Lord, kung bibigyan Mo kami ng COVID, okay lang na ako na lang. Huwag lang talagang si Mona kasi hindi na niya kaya. Ang dami na niyang sakit.”
May paalala naman si Ivana sa publiko na maging maingat.
“You have to take accountability,” she said. “So, if you are exposed or if you are (not feeling) well, huwag ka nang lumabas and maghintay ka nang five days,” kung maaari ay magpatest na kaagad.
“Please be safe. Wear your mask, no one is above the law.”
“Tandaan niyo iyan, kahit sino ka man, kung hindi ka law, hindi ka pwedeng mag-inarte at hindi ka pwede mag-break ng law,” giit niya.