MAPASAGOT KAYA NG isang powerful businessman ang kanyang nililiyag na showbiz denizen sa pamamagitan ng paghahain nito ng katakut-takot na mamahaling mga bagay rito?
Tanggap naman ng businessman na may anak na ang kanyang nililiyag. At kung sakaling maging sila eh, hindi naman ito magiging problema kahit pa raw hindi na sila magkaanak at medyo may edad na ang nasabing artista.
Pero ang worry ng showbiz denizen eh, kung tatanggapin ba naman siya ng pamilya ng nasabing businessman na ang pangalan eh, nakatatak na sa maraming bagay sa ating kapaligiran.
Sino ba ang magpapasakay kanino?
(By Pilar Mateo)