HINDI MAIPAGKAKAILANG may mutual understanding na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Kitang-kita sa mga nakakikilig nilang eksena together sa seryeng Got To Believe ni Direk Cathy-Garcia Molina. Palung-palo sa taas ng rating. Tunay namang nakaaaliw panoorin ang soap na ito. Kakaiba sa mga teleserye ng Dos na paulit-ulit na lang. Hindi pilit ang takbo ng istorya, may social relevance kaya click ito sa manonood. Makabago ang approach ni Direk Cathy, mala-pelikula nga ang dating nito sa amin.
Nag-swak sa mga artistang nagsisiganap ang bawat character na kanilang ginagampanan. Perfect for the role as husband and wife sina Ian Veneracion at Carmina Villaroel, ganu’n din sina Benjie Paras at Manilyn Reynes. Acting wise, magagaling silang lahat.
Sobrang enjoy sina Daniel at Kathryn tuwing taping. Every other day ba naman silang magkasama together. Hindi nga raw nakararamdam ng pagod ang dalawa kahit madaling-araw na napa-pack-up. Lalo na raw kapag may eksena sina Daniel at Kathryn, feel na feel nila ang bawat linya ng dialogue. With emotion nila itong gingawa kaya super happy si Direk Cathy sa kanyang mga artista dahil hindi siya hirap i-direk ang mga ito. Nagagawa naman kasi nila nang tama ang gustong mangyari ni Direk sa bawat eksenang kukunan. Much more pa nga raw ang ibinibigay nina Daniel at Kathryn kaya’t saludo ang award-winning director sa galing umarte ng mga ito.
‘Yung pagiging magaling, marespeto at pagiging gentleman ang mga katangiang nagustuhan ni Kathryn kay Daniel. Kahit inamin na ng binata na may mutual understanding na sila ng dalaga, patuloy pa rin ang panunuyo nito sa mga magulang ng young actress. Kahit walang okasyon, biglang may flowers, chocolates, etc. for Kathryn. Surprise gift ni Daniel sa kanyang one and only love. Hindi kataka-taka kung ma-in love nang todo-todo ang dalaga.
Ang maganda nga sa relasyong Daniel at Kathryn, walang kontrabida sa kanilang pagmamahalan. Aprubado ang kani-kanilang magulang huwag lang lalagpas sa boundary. Nangako naman ang dalawa na magiging matatag ang kanilang relasyon. Focus muna sa trabaho, secondary na lang ang kanilang personal life. Marami pa raw silang mga pangarap na gustong matupad. Ang importante, may inspirasyon sila sa bawat bagay na ginagawa nila sa buhay at para sa kanilang pamilya.
“ILOILO” WON the Camera d’Or (Best Debut Feature) at the prestigious 2013 Cannes International Film Festival. It continues to touch heart, earn critical praise and win audience acclaim worldwide. The film stars Filipino actress Angeli Bayani as the housekeeper,Teresa, who goes to work for an ordinary family during the Asian financial crisis. The heartfelt tale presents how the family and Teresa form a special bond in spite of the challenging situation and their cultural differences. It’s the first full-lenth feature of director/writer Anthony Chen.
Last November, it has been screened in more than 30 international film festivals, and commercially released in at least five territories including France, Bangkok, Hong Kong, Taiwan, and Singapore. Iloilo is Singapore’s official entry to the Best Foreign Film Category of the Oscars.
Ang latest achievements, nakuha ng Iloilo ang Audience Award at the 15th Tokyo Filmex held last November 23-December 1, and four nominations in the 56th Asia Pacific Film Festival to be held in Macau from December 13-15. Angeli is nominated as Best Actress sa nasabing festival.
Previously, Iloilo won the Best New Director and Screenplay (Anthony Chen), Best Supporting Actress (Yeo YannYann) and Best Picture at the 50th Golden Horse (China’s Oscar). Hollywood director Ang Lee (Head Juror of the Golden Horse Awards) explained why Iloilo won Best Picture, “It was a film that not a single judge disliked… it seemed effortless. It was a movie that grabbed your heart from the beginning and held it to the end.” He praised Angeli whom he described as brilliant and a national treasure.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield