IS JOHN ESTRADA flirting Bianca? May kumakalat na tsika na nagpapahaging daw si John Estrada sa isa sa mga female co-host niya sa Happy, Yipee, Yehey! na si Bianca Manalo. May mga mahaderang nagsasabi na may involve pa raw na panghihipo or inappropriate touching si Papa John sa beauty queen. Aba! May balak bang sulutin si Bianki kay Pratty (John Prats) na alam naman ng lahat na nali-link sa girlash. Tahasan namang sinabi ng TV host-actor na hindi iyon totoo at masaya siya sa pagsasama nila ng kanyang kabiyak na si Priscilla Meirelles. Ayon pa sa actor, gawa-gawa lang daw ito ng mga taong mapera na gusto silang siraan. Sige, Papa John, Mareng Bianca… ipagtanggol n’yo nga ang inyong sarili. Now na!
Photos by Mark Atienza, Luz Candaba, Fernan Sucalit & Parazzi Wires
By MK Caguingin
Parazzi Chikka
Parazzi News Service