BONGGA ang Regal Entertainment dahil dala-dalawa ang entry nila para sa darating na FDCP’s Pista ng Pelikulang Pilipino na magaganap simula bukas, Wednesday, August 15.
Una ay ang all-out comedy film ni Vhong Navarro with Winwyn Marquez na Unli Life directed by Miko Livelo na sa trailer pa lang ay laugh trip ka na at inaasahan na magiging box-office ito sa katatawanan.
In last night’s pemiere ay suportado ang cast ng mga kaibigan nila na mga artista.
Bukod ang buong cast ay dumalo sa SM Megamall, naroon ang mom ni Winwyn na si Alma Moreno, McCoy de Leon na bestie ni Jon Lucas (playing as barkada ni Vhong) at sumuporta na rin sa Kuya Vhong niya na kasama niya sa noontime show nila sa Kapamilya Network. Sina FDCP Chairperson Liza Dino at Ice Seguerra na present sa event at nagbigay suporta.
Sa loob ng sinehan, walang humpay ang tawanan ng mga nanood na tila nabitin at natapos na ang pelikula.
Sabi ng katabi ko: “Dapat mayroong part 2.” na patunay na aliw at laugh trip ang pelikula.
Pangalawa ay ang pelikula ni Christian Bables na dinirek ni Chito Rono para sa kanyang CSR.PH production outfit na two weeks nag-shooting sa Biri Island sa Samar entitled Signal Rock.
Kapag napanood ng moviegoers ang location ng pelikula, malamang magugustuhan ito ng mga Pinoy biyahero na sure ay magiging favorite tourist destination ng mga local at international tourists.
Co-production ng Regal with Direk Chito ang pelikula kung saan kasama sa cast sina Mara Lopez, Daria Ramirez, Nanding Josef at Elora Espano na gumaganap bilang girlfriend ni Christian sa pelikula.
Ang pelikula ay magkakaroon ng celebrity premiere bukas, Wednesday sa Trinoma Cinema.
Kaya nga wala man sa mga pelikula ni Mother Lily Monteverde ang nakapasok sa Metro Manila Film Festival 2018 (first batch) at malungkot man ang Regal Matriarch at walang entry ang Regal ay happy na rin siya sa dalawang film entry ng kanyang Regal Films.
“I feel so bad…The festival in December is more important,” pahayag ni Mother sa media.
Reyted K
By RK Villacorta