Kahit na-disqualify
Imelda Papin, tuloy pa rin ang laban

OLA CHIKKA na naman tayo to the maximum authority of chikka!

Kahapon, tumawag sa akin ang nag-iisang Jukebox Queen Imelda Papin tungkol sa issue ng disqualification ng kanyang kandidatura sa San Jose del Monte City, Bulacan bilang congressman ng lone district ng nasabing lungsod. At tamang-tama, may report ako sa programa nina Deo Macalma at Milky Regonan.

Ayun kaloka, naka-standby na ako, biglang isiningit ang report ni Boy Gonzales at nasa Comelec siya at maraming supporter si Imelda Papin kasama ang mayor ng San Jose del monte na si Mayor San Pedro dahil nga sa pahayag ni Comelec chairperson Sixto Brillantes na ang usaping disqualification ni Imelda Papin bilang kongresista ng lungsod ng San Jose del Monte City ay hindi pa final and executory.

Kaya naghain sila ng motion for reconsideration sa paliwanag ni Brillantes na ang second division ng Comelec ang siyang nagsumite ng sarili nilang desisyon para rebisahin ng Comelec en banc. Ang naturang disqualification case ay inihain ni G. Zosimo Lorenzo, secretary general ng Arangkada San Joseño na siyang political party ng katunggali ni Bb. Imelda Papin sa pagka-kongresista ng lungsod.

Nu’ng nakaraang taon pa si Imelda ay pinayagan ng Election Registration Board (ERB) ng lungsod na makalipat ng kanyang voter’s registration na kinuwestiyon din ng kampo ng kalaban ni Imelda at isang incumbent. Sa dalawang magkasunod na petisyon, kinukuwestiyon ng kabilang kampo ang bilang ng taon ng pagtira ni Imelda sa lungsod. At sinagot naman ito ng kampo ni Imelda Papin na naninirahan na sa lungsod matapos siyang makabili ng properties noon pang 2002. Kaya mula noon, naging abala na si Imelda sa pagtulong sa mga mahihirap sa pamamagitan ng paglikom ng pondo para sa mga estudyanteng scholar sa Bulacan State University (Sarnieto Campus) sa pagtataguyod ng Bulacan State University Foundation, Inc. Nagtayo rin siya ng negosyo katuwang niya ang kanyang mga kapatid para makatulong sa mga taga-San Jose.

Kaya nga 2002 pa siya nakatira rito sa San Jose del Monte, alam kasi ng kalaban ni Imelda na napakalakas ng laban nito. Kasi ang daming Bicolano na naninirahan dito sa Bulacan sa tulong na rin ni Imelda, at maraming mga pulitikong Bicolano rito sa naturang lungsod.

Kaya nanggigigil itong kalaban ni Imelda na ma-disqualify para siya makalusot. Kaya sa mga kababayan natin diyan sa San Jose del Monte City, Bulacan, tuloy ang kaban. Kahit nga ang kaibigan kong si Vice Gov. Daniel Fernando, nagulat sa akin nu’ng ibinalita ko sa kanya. Kasi wala siyang kaalam-alam sa disqualification ni Imelda. Hala bira! Tuloy ang laban ni Imelda bilang kongresista ng naturang lungsod. ‘Yun na!

PITIK-BULAG: Kaloka to the max ang blind item ko nu’ng isang araw na talagang walang tigil ang mga kasamahan ko sa hanap-buhay na pilit nilang inaalam kung sino talaga iyong pulitikong actor at anak na napapabalitang HIV positive. Tinatanong sa akin kung ‘yung actor daw ay katulad din ng ikinamatay ng tatay niya. Sabi ko, malay ko, hindi ko alam kung ano ang ikinamatay ng tatay niya. Grabe na ito.

 

PAHABOL: KAPATID pakibati naman sina, Cong. Mitch Cajayon, Coun. Andy Asitio, Cenon, Nayor, Hay trillanes and Coun. Obet Samson ng Caloocan, kasi may relevance, he he he. – Jobert Sucaldito, na laging nagbabasa ng column ko rito sa Pinoy Parazzi. Naman!

 Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding

Previous articleCoco Martin, ‘di nakakalimot sa kanyang pinagmulan
Next articleErik Santos, lumalabas ang ‘pagkabading’

No posts to display