KAHIT NAGBIBIDA na sa mga shows ng GMA-7, open pa rin daw si Rocco Nacino para gumawa ng proyektong siya naman ang kontrabida katulad na lang ng role niya sa pelikulang My Lady Boss ng GMA Films at ng Regal Entertainment.
Ayon nga kay Roco nang makausap namin kamakailan na mas challenging daw pala kapag kontrabida ‘yung role dahil kailangan mo talagang mag-exert ng effort para maging effective kontrabida.
“Bale first time ko kasing nag-kontrabida at dito pa ‘yun sa My Lady Boss at nag-enjoy ako nang husto sa role ko, kasi iba talaga sa kalimitang ginagawa ko. Talagang salbaheng-salbaheng boss talaga ako du’n, pero in a fuuny way. Nakakatawa po ‘yung pagkasalbahe ko.
“May nagbiro nga sa akin at sinabi na ang salbahe mo naman sa My Lady Boss. Natawa na lang ako at sinabi ko na role lang po ‘yun, pero in real life mabait ako, hahaha! Nakakatuwa kapag may mga ganu’ng makakapansin sa ginawa mo, kasi ibig sabihin effective ‘yung acting mo, kasi may na touch ka.
“Kaya nga in every project na ibinibigay sa akin, lagi kong ibinibigay ‘yung best ko, para naman maganda ‘yung maging outcome at mag-enjoy ‘yung tao na makapapanood nito.
After My Lady Boss, willing ka na rin bang gumawa ng TV Project na ikaw ang kontrabida?
“Probably yes! Pero siyempre depende sa management (GMA-7), depende sa story, kung anong klaseng kontrabida ba ang gagampanan ko. Pero nasa plans ko rin ‘yun na, although naa-appreciate ko na nali-line-up ako ng GMA-7 as bida roles, gusto ko ring maka-experience ng kontrabida role. Para maiba naman at para versatile na kahit anong role puwedeng gampanan, para for the experience din .
“Iba kasi ‘pag nasubukan mo lahat, para at the end, puwede mong sabihin na lahat ng role na gusto kong gawin nagawa ko na. Tsaka minsan, it’s nice to experience something dark ‘yung character na gagampanan mo, dahil malayung-malayo sa laging mong ginagawa,” pagtatapos ni Rocco.
NEWEST ADDITION sa lumalaking pamilya ng UnisilverTime at magiging isa nang certified TimeBassadors ang isa sa most-sought commercial at print ad model, ‘di lang sa bansa kundi maging sa Asya at napapanood sa GMA-7 primetime soap na Home Sweet Home at Saturday variety show, ang Walang Tulugan with the Master Showman na si Teejay Marquez .
Nagpapasalamat si Teejay kina Sir Albert Que (Chronotron Inc. President) at Sir William Ong Co (Chronotron Inc. Vice President ),Ms. Catherine Ty Ygona at Mr. Giancarlo Guevara ( R&D and Marketing Manager UniSilver TIME ) sa pagpili sa kanila para maging part ng kanilang UniSilver Time Family.
Makakasama ni Teejay bilang TimeBassadors sina Sam Milby, Karylle , Barbie Forteza, Derrick Monasterio, Enzo Pineda , Joshua Dionisio, Bea Binene, UPGRADE, at Julie Anne San Jose.
VERY HONEST na sinagot nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang katanungan kung paano ba nila sinisimulan ang araw nila ‘pag alam nilang may taping at paano nila tinatapos ito?
Tsika nga ni Daniel, “Text muna! Text ho, huh! Tapos nu’n, nagtatrabaho at pag-uwi, message na uli!”
Wala bang kiss o beso man lang bago sila maghiwalay? “Beso meron!” sey niya.
Hindi nawawala ‘yung beso? “Hindi mawawala ‘yon, hahaha! ‘Yun na nga lang, eh.”
Pinatotohanan naman ito ni Kathryn nang matanong. “Totoo naman ho na laging nagmi-message si DJ! Usually kasi, ako ‘yung parating unang nagigising sa kanya! Kaya parang… lalo ‘pag same kami ng call time, kailangang maaga kaming matutulog. Sinasabihan ko siyang maagang matulog para magising siya! Para on time siya kinabukasan, hahaha! And then, pagkatapos ng work ko, usually, hinahatid niya po ako. Ganyan. Minsan, hatid sa bahay,” kuwento ni Kathryn.
Walang sundo’t hatid? “Hatid lang po!” tugon ng young actress.
Walang sundo? “Ano po ‘yon? Tama na po, ‘yon! Hahaha!” pahayag ni Kathryn.
John’s Point
by John Fontanilla