Si Kris Bernal ang latest celebrity guest ni Toni Gonzaga sa kanyang ‘Toni Talks’ show sa YouTube. Big surprise para sa ilang viewers ang collaboration na ito dahil hindi naman na nagkaabot sa Kapuso network ang dalawang talented stars.
Sa interview na ito ay naging transparent si Kris Bernal sa pagsabi ng kanyang naramdaman nang hindi i-renew ng GMA ang kanyang kontrata.
“Naiyak ako. Pinaalala mo kasi. Very difficult talaga for me kasi parang feel ko, throughout my career, nandoon ako sa network ko,” sambit ni Kris, na nag-umpisa ng kanyang showbiz career sa fourth season ng Starstruck kasabay nina Aljur Abrenica, Paulo Avelino at Jewel Mische.
“When I finally got the memo na they are no longer renewing me, parang the first word talaga na nag-stuck sa buong katawan ko at buong puso ko na I was a failure. Parang I just didn’t fail myself but also failed my family. I also failed my fans. Parang ganun ang dating,” himutok pa niya.
“Pero alam mo na you had given your best. Di ko alam talaga. Sorry ha. I know it was a long time ago, like a year ago pero hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit kasi okay naman. I mean, hindi naman ako nag-a-attitude. Sabi ko nga lagi kong binibigay ‘yung best ko and actually until today question pa rin siya sa akin.”
Inamin din niya na nakakaranas siya ng insecurities dahil maraming pumapasok sa kanyang home network samantalang hindi na siya nirenew ng managerial contract. Kahit ang body shaming posts comments ay binanggit na rin niya. Umabot daw sa punto na naisip niya na baka naging hindrance ang kanyang pangangatawan.
“Baka lang rin kaya hindi na ako masyadong nakakakuha ng projects because of how I look now.” sambit pa niya.’
Noong bata raw siya ay sinabihan na rin siya ng concerned people na mag-lielow na siya sa kanyang career kapag siya ay ikinasal na. Noong Setyembre ay pinakasalan siya ng kanyang fiance na si Perry Choi. Despite this ay determinado pa rin si Kris na abutin ang peak ng kanyang career.
Ayon sa kanya, sa tagal niya sa industriya ay never pa niyang naranasan na manalo ng best actress award at ito raw ang kanyang pangarap. Lagi daw kasi siyang nominated, pero never nanalo.
“Acting is my passion and feel ko, sa showbiz, I get to express yung who I am and napapakita ko talaga kung ano ang gusto kong gawin sa buhay. Feel ko nga nahanap ko na ‘yung sinasabi ni Lord sa akin kung bakit ako nanalo [sa Starstruck]. Feel ko nga na I was meant for this dahail gusto ko talaga siya.
Sa totoo lang, hindi naman nawalan ng proyekto si Kris sa GMA. Nagbida siya sa Impostora, Asawa Ko, Karibal Ko at Hanggang Sa Dulo ng Buhay Ko na nagtapos noong October 2019. That was just a few months before the pandemic. Kahit wala na rin siyang exclusive management contract sa GMA ay visible pa rin siya sa mga programa ng network this year kahit pa nagbida ito sa isang short-lived TV5 series. Ang recent guesting niya ay sa TBATS at may IG story post din ito with fellow Kapuso stars Joyce Ching and Kim Rodriguez.
Isa rin siya sa mga bida ng upcoming afternoon series na Artikulo 247 kasama sina Rhian Ramos, Benjamin Alves at Mark Herras na naglabas na ng teaser kahapon.
Sa mga proyekto na binibigay ng GMA sa kanya kahit wala na siyang exclusive contract, dapat siguro ay maging grateful ito. Kung pagkakaroon ng Best Actress ang basehan niya ng tagumpay, dapat siguro ay kulitin niya ang kanyang bagong manager na bigyan siya ng acting piece at i-wish na wala siyang kasabay na mas magaling sa kanya.