SA EVENT ng isang mamahaling relo kung saan napiling ambassador ang Kapuso Actor na si Dingdong Dantes, excited na ikinuweto ni Dingdong sa amin ang kanyang mga upcoming movies. Isa na nga rito ang pagbubukas ng horror movie na Tiktik: The Aswang Chronicles, na ayon pa sa kanyang kuwento, ginawa nila ilang taon na ang nakararaan.
Lahad nito sa amin, “By October, ‘di ko pa lang alam kung anong petsa, ‘yung syinut namin a long time ago, together with Reality Entertainment directed by Erik Matti, ‘yung Tiktik: The Aswang Chronicles. So, first time in the history of Philippine cinema, lahat o ‘yung buong pelikula, shot against green screen, chroma lahat.
“Parang ‘yung mga napapanood natin sa mga Hollywood films. Pero gusto lang naming sabihin na we can do it, we can also do it the Filipino way. It just really needs time.”
Dugtong pa niya, mahirap daw talaga ang paggawa ng nasabing pelikula dahil umaarte ka na ang kasabayan mo lang ay isang chroma background. Aniya, “Mahirap eh, kasi parang halimbawa, may kaaway ako, aswang ‘di ba? So, ini-imagine mo, may aswang du’n, eh ‘yung aswang kini-create nila ‘yun sa computer graphics, di ba? So you should have to make your imagination wide.”
Kasama rito ni Dong sina Lovi Poe, Joey Marquez, Janice de Belen, Ramon Bautista at LJ Reyes.
Feeling ba niya nata-typecast na siya sa horror films? Depensa niya, “Oo nga eh, pero nagkataon lang siguro. Pero when I was a kid mahilig talaga ako sa horror movies. Nagkataon lang din, kasi itong movie na ito ay parang perfect material para ma showcase yung computer graphics, eh. Kumbaga, fantasy and horror ‘di ba? Pero bina-balanse ko naman. Meron din naman akong ginagawang movie for filmfest naman.”
Ang tinutukoy ng actor-TV host ay ang filmfest entry niya for Star Cinema, ang One More Try, kung saan makakasama niya sina Angel Locsin, Angelica Panganiban, at si Zanjoe Marudo.
Ano kaya ang pakiramdam ng nakatatawid ng ibang film outfit dahil naka-kontrata siya sa GMA. Diin nito, “Pangalawang beses pa lang naman. Nagkataon lang na naging maganda ‘yung usapan. Ako I feel very lucky na I was given this very rare opportunity. So, maganda, kasi nakakasubok tayo ng ibang projects, ibang trabaho, ibang makakasama kasi maliit lang naman ‘yung industriya. Siyempre nagkakatulungan tayo. Malaking bagay na nakakatawid ako pero loyal pa rin naman ako du’n sa aking original network.”
Kahit na galing ng GMA si Angel, first time pa raw niya itong makatrabaho. Though, nagkakilala naman daw sila noon sa Kapuso Network. Pahayag niya, “Nag-abot naman kami sa GMA before pero never kami nagkatrabaho, nakaka-four days na kami ngayon sa shooting ng pelikula.”
Dugtong pa nito, “Medyo nagwa-warm-up pa lang kami, pero masaya kasi kinunan namin ‘yung mga light scenes. As we go along, medyo pabigat na nang pabigat ‘yun. So, medyo magandang start ‘yung ginawa namin sa movie. It’s an adult drama.”
Marami mang blessings ang dumating sa kanya, aminado si Dingdong na may gusto pa siyang gawing pelikula na hindi pa niya talaga nasubukan.
Paliwanag niya, “Mga biopic, like Ninoy Aquino. Gusto lang, pero it doesn’t mean that I have to. Maganda lang kasi na meron kang inspirasyon eh, na hindi naman kailangang parating gawin mo, pero to keep me going and para gaganahan ka sa pang-araw araw na gawain mo.”
KUMPIRMADONG LAST episode na nga ng Saturday talkshow ng TV5 na Paparazzi Showbiz Exposed noong Sabado, July 28, 2012. Hindi man nagsabi ng pamamaalam sa ere ang mga hosts, pero ayon sa source namin, na-sabihan naman daw ang mga ito pati na ang mga staff.
Isa pang kumpirmado ay ang tuluyan na ring pamamalaam ng Juicy, ang daily showbiz talk ng istasyon. Hanggang ngayong gabi na lamang ito, Biyernes, August 3 mapapanood.
Ayon pa sa dagdag na kuwento ng aming source, gusto ng management ng panibagong look at timpla sa mga entertainment shows ng network at para naman magkaroon ng bagong pamimilian ang mga manonood.
Hirit pa nang aming source, Ang Latest ang new title ng show. Bale magkakaroon ng daily edition at isang edition naman sa weekend. 30-minutes pa rin ang daily at isang oras kapag Sabado.”
Sure na ‘to
By Arniel Serato