Kahit pagod at antok na Jillian Ward, pinipilit pagtrabahuhin ng ina?!

SANA’Y SALAT SA katotohanan ang nakarating sa inyong lingkod tungkol sa kung paano umanong piliting pagtrabahuhin ng kanyang ina ang anak na si Jillian Ward, sa kabila ng sobra nang pagkaantok ng bata in a recent shoot.

Hindi gaanong malinaw kung saan nagmula ang kuwento, kung sa seasonal bang teleserye ni Jillian na Namamasko Po ng GMA o sa pelikulang Si Agimat at Si Enteng Kabisote? Basta ang klarong impormasyon: Sa set ‘yon, kung saan mahimbing nang nakatulugan ng child wonder ang mga susunod pang ekseng kukunan sa kanya.

Nakasalampak daw si Jillian, tulog na tulog katabi ang kanyang ina. Tamang-tama namang naka-set up na sa pinagsu-shooting-an, kailangan nang isalang si Jillian.

Nang mapansin daw ng executive producer na nasa dreamland na, ‘ika nga, ang bibang bata ay ito na raw mismo ang nagsabing huwag na itong bulabugin. “Ay, hindi,” buwelo raw ng ina ni Jillian, “teka, gigisingin ko. Jillian, Jillian, anak, gising na. Magte-take na,” waring alarm clock na tagapagpagising daw na sabi ng ina.

Pupungas-pungas daw si Jillian. Awang-awa naman daw sa kanya ang staff.

Again, we hope that this piece of news is like a child’s lie. Kung totoo, puwede kasing managot ang nanay ni Jillian sa DSWD o anupamang ahensiya ng gobyerno na nangangalaga sa mga karapatang pambata. Hindi ang network o kumpanya na kumuha ng serbisyo ni Jillian ang responsable, dahil meron naman silang kaukulang permit mula sa DoLE ukol sa child labor.

We do not want to jump the gun, pero ang ganoong eksena ay nagpapaalala sa amin sa klasikong komiks novel-turned-movie ni Carlo J. Caparas na Bakekang na nagkaroon ng TV adaptation sa GMA. Ambisyosang magulang si Bakekang sa anak niyang si Crystal na nais niyang maging isang sikat na artista.

Sapilitang ipinagduduldulan ni Bakekang ang kanyang anak sa showbiz, at all cost. But her ambition caused her own downfall.

Huwag sanang matulad ang ina ni Jillian kay Bakekang.

DALA NA RIN ng pagiging malapit namin kay German Moreno kung kaya’t nagmamalasakit din kami sa kanyang alagang si Jhake Vargas. Showbiz truth is that kulang na lang ay si Kuya Germs ang biological father ni Jhake, saksi kami kung paanong sobrang iginagalang ng bagets ang kanyang tatay-tatayan.

Pero ewan kung napaalalahanan din ni Kuya Germs si Jhake tungkol sa pag-aaral nito, that is, if Jhake is presently enroled or under a DepEd home study program na karaniwang ina-avail ng mga artista. Even minus Kuya Germs’s stewardship, dapat on his own din ay nag-aaral si Jhake.

Huwag sanang ipagtampo ni Kuya Germs, but Jhake’s recent guesting on Eat Bulaga particularly sa segment na Pinoy Henyo ay maaari sanang makapag-inspire sa mga kabataang tulad niya. Sadly, Jhake did not come on too smart despite his killer looks.

In lieu naman kasi of a formal education, puwede namang mag-self-study ang isang artista. He or she need not be intelligent, ito ang kailangang gawin ni Jhake without the help of Kuya Germs. By the way, ang ka-partner ni Jhake sa naturang segment ay si Joshua Dionisio na tagasagot lang ng “oo” at “hindi” sa mga hula ni Jhake.

The “mystery word” was Australia. Kung nagpupursige rin lang si Jhake – not just to hone his craft but also to enrich himself academically — hindi lang ang Land Down Under ang kanyang mararating.

Even miles and miles farther than his native Subic.


Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleKomedyana, nagkukulong dahil sa bulutong!
Next articleSa pagsunog sa picture ni Mr. Fu Melai Cantiveros, lumabas ang kagagahan?!

No posts to display