Kahit pilit na itinatanggi
Relasyong Luis Manzano-Jennylyn Mercado, bilang na raw ang mga araw

SA KABILA ng pagbibigay kasiguraduhan ni Luis Manzano sa nakaraang presscon ng This Guy’s In Love With You Mare na maayos ang relasyon nila ni Jennylyn Mercado, heto’t may mga kuwentong nagsusulputan na on the rocks daw talaga ang relasyon ng dalawa pero nagde-deny lang ang mga ito.

Ayon pa sa lumabas na kuwento, huwag na rin daw magulat ang publiko kung isa sa mga araw na ito ay maghiwalay na lang daw ang magkasintahan.

Matapang ang naging pahayag sa amin ni Luis na baka ang relasyon ng gumagawa ng isyu ang nagkakalabuan at sa kanila nilalagay ang problema ng mga ito. Siniguro uli sa amin ng actor/TV host na maayos ang relasyon nila ng girlfriend, ang pagpapatuloy ng kanilang relasyon ay patunay lang na buo ang tiwala at respeto niya sa kasintahan.

Sa espekulasyon naman ng marami na magbilang na lang ng ilang araw ay magbi-break na sila ng aktres, para kay Luis ay isang bagay na hindi mo masasabi kung magkakatotoo o hindi dahil may mga relasyong nakatakdang matapos at may mga relasyon na nagwo-work out naman.

Naghamon pa ang aktor na kung mahuhulaan ng nagsasabi nito kung kailan ang eksaktong araw na maghihiwalay sila, kung ano ang kulay ng suot niya sa araw na mag-break sila at kung ano ang kinain niyang agahan nang araw na iyon ay saka pa lang siya maniniwala.

Sa tanong naming kung wala ba siyang pressure na dalawang box-office artists ang kasama niya sa nasabing pelikula, aminado si Luis na mayroong kaba pero binigay niya nang buo ang tiwala niya sa material, pinagkakatiwalaan nila ang isa’t isa, lalo na ang direktor na si Wenn Deramas.

ANG MALAKING agwat ng R-13 at ng R-18 ang dahilan ng MTRCB kung bakit nagdesisyon si-lang idagdag ang R-16 sa kanilang film classification ratings. Ibinigay na halimbawa ni MTRCB Chariman Grace Poe Llamanzares ang pelikulang Black Swan na marami silang natanggap ng mga negatibong feedbacks, dahil inakala ng maraming ina na dahil si Natalie Portman ang bida rito at tungkol ito sa ballet, positibo ang pelikula kung kaya’t binigyan nila ito ng R-13 ratings na ‘di bagay sa isipan ng mga batang may ganitong edad dahil may bahid ng lesbiyanismo at patayan ang nasabing pelikula.

Masusing pinag-aralan muna ito at hiningi ang opinyon nina Direk Brillante Mendoza, Direk Joel Lamangan at Dra. Honey Carandang na isang psychologist bago nilabas, tiningan at pinag-aralan muna nilang mabuti kung ito ba ay makakabuti sa mga batang manonood.

Labis ang pasasalamat ng dating MTRCB Chairman dahil suportado ito ng mga theater owners kung saan ipalabas ang nasabing infomercial bago mapanood ang anumang pelikula. Sa ngayon ay makikita muna ito sa mga indie film dahil mahal, pero kalaunan ay mapapanood na rin ito sa mga mainstream movie.

Nagpaalam na sa MTRCB kung saan pansamantalang pinalitan siya ni Direk Emmanuel Borlaza na tumatayong Officer in Charge at Vice Chairman ng MTRCB, gustong ipagpatuloy ni Ma’am Grace ang layunin ng ama na maglingkod sa bayan at ipapagpatuloy ang nakamatayan na nitong ipinaglalaban.

ChorBA!
by Melchor Bautista

Previous articleDahil sa malaking tattoo sa tagiliran
Glaiza de Castro, ‘di makasali sa beauty pageant kahit gustuhin
Next articleAte Gay, pinanindigang ‘di niya ginagamit si Vice Ganda

No posts to display