NAPANOOD NA namin ang The Reunion at tama nga ang “press release” ng mga kabadingan. Super papalicious dito si Enchong Dee.
Nu’ng tinwit nga namin ay ang dami ring umangal, eh. ‘Di ba daw, si Enchong eh… Pero pakialam namin sa isyung ‘yan, ‘no? Halos lahat naman ng aktor, dumadaan sa ganyang isyu, eh.
Nakakalokah rin ‘yung iba, eh, ‘no? Sabi nang sabi na si Enchong ay “kafatid” din, pero ‘pag tinanong mo sila, “Pero type mong hadahin?”
Agad-agad, “Oo naman, ‘no! Ang guwapo niya kaya? Ang sarap-sarap niya!”
‘Yun naman pala, ang dami pang sinasabi. I’m sure, kahit ‘yung ibang mga beki diyan, type na type si Enchong, ‘no! ‘Wag nang maarte, ‘no!
Pero sa aming sariling pananaw, ang tagal na namin dito sa industriya, pero hindi pa namin nababalitaan si Enchong na naka-do ni ganito o ganyang artista. O nagkadyowa ng bading whatsoever, ‘no!
Gano’n lang siguro kumilos si Enchong, pero lalaking-lalaki ‘yan, promise.
Juice ko, nu’ng nag-Captain America siya sa The Reunion, last 15 minutes ding napatitig ang mga kababaihan at kabadingan sa katawan at bukol ni Enchong, ‘no! Aminin n’yo ‘yan, hahahaha!
Saka flawless ang bata. In fairness naman sa kutis!
Kaya ‘pag nakita ko talaga ang batang ‘yan, yayakapin ko siya nang walang kamali-malisya. Pero super higpit, promise.
ANG HUSAY palang magbading nitong si Matt Evans, ‘no? Kering-keri niya ‘yon bilang kaklase nina Kean Cipriano, Enchong Dee, Xian Lim at Enrique Gil.
At ilambeses ding nagtawanan sa punchlines niya ang mga nanonood sa Trinoma. Hindi sobra, hindi kulang. Sakto lang.
Hindi nakakainis.
Meron kasing iba na ‘pag nagbakla, parang ang sakit sa bangs. Nakakainis at sobrang trying hard magbading, kaya nakakainit ng bungo.
At higit sa lahat, hindi mo pa rin pag-hihinalaang bading si Matt.
I know. And it takes one to know one.
Ayan, ha? Unti-unti na ‘kong umaamin.
GUSTO NAMING papurihan ang bumubuo ng Be Careful With My Heart, dahil tuwing umaga na lang na pinanonood namin ito ay parang sobrang nare-relax talaga kami, promise. Hindi kasi masyadong mabigat ‘yung tema. Sakto lang.
At ang husay-husay nina Papa Chen at Jodi Sta. Maria.
I’m sure, ‘yung 10:45am slot na ito ay halos tapos na ang mga kasambahay sa kanilang trabaho, kaya nakatutok na sila sa kanilang telebisyon. Siyempre, nakaka-relate sila somehow sa temang kanilang-kanila.
At nandu’n din ang kani-lang dream na meron silang gano’ng amo na kahit ganu’n kaistrikto ay me puso para sa mga kasambahay.
Kaya naman hindi na nakapagtataka kung nakakuha man ito ng pinakamataas na 21% sa non-primetime slot. Malaking tulong din ito para mapataas pa ang rating ng It’s Showtime.
So congrats sa buong cast, staff at crew!
Kayo na talaga!
Oh My G!
by Ogie Diaz